Wednesday , June 24 2026

Differently-abled athletes tumanggap ng insentibo

NAMAHAGI ang Philippine Sports Commission ng 1.5 million cash incentives para sa differently abled athletes na nakapag-uwi ng medalya sa naganap na Southeast Asian ParaGames sa Myanmar nitong  nakaraang buwan.

Pinamudmod ni PSC commissioner Jolly Gomez ang nasabing insentibo kasama si Phl Sports Association for the differently abled president Mike Barredo sa Ninoy Aquino Stadium noong Biyernes.

“It’s the government’s reward for our athletes for making the country proud,” ani Gomez na nagdiwang ng kanyang ika-54 na kaarawan nung isang  araw.

Tumanggap ng reward na P50,000 galing sa government’s sports-funding agency si thrower Marites Burce ang unang ParaGames medalists para sa kanyang dalawang gold medals sa javelin at shot-put.

Tinanggap naman ni Prudencia Panaligan ang 35,000 dahil sa kanyang gold medal na nasungkit sa 100-meter dash at bronze sa 200-meter.

Katumbas ng gold medal ay 25,000 habang 15, 000 at 10,000 sa silver at bronze medals.

Sina Henry Lopez at Sander Severino ay nakapag-uwi ng tatlong gold medals, dalawa sa individual at isa sa team event habang si partially blind Menandro Redor ay komopo ng gold sa chess.

“Next to atheletics, we’re the second best performer with six golds,” ani international master Emmanuel Senador, coach ng differently abled chess team.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …