Saturday , October 1 2022

Thank you PMPC for the nomination (Darling of the Press)

00 Bulabugin JSY
‘YUNG maging nominado para sa titulong “Darling of the Press” mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) ‘e ikinagulat nating talaga.

Nagulat ako nang mabasa ko sa aking sariling diario. Dahil hindi ko talaga alam na makakasama ako sa mga nominado.

Alam naman ng mga kaibigan natin sa PMPC at sa iba pang entertainment press organization na tayo ay sumusuporta lang sa magagandang proyekto at layunin ng kanilang grupo.

At pakikipaglaban sa kanilang karapatan bilang isang mamamahayag.

Kahit noong ilang taon tayong naging Director ng National Press Club  (NPC) hanggang maging presidente po ang inyong lingkod.

Gayon din sa pagtatatag natin ng Alab ng Mamamahayag (ALAM). Bahagi pa rin sila ng isinusulong nating adbokasiya sa hanay ng mamamahayag.

Nanatili po ang pagsuporta natin sa kanila, sa iba’t ibang paraan at sa kung ano ang ating makakayanan.

Kaya natutuwa rin po tayo kapag sumusuporta rin sila sa ano mang proyekto na ating inilulunsad.

Anyway, ngayon pa lang ay binabati na natin ang mga magwawagi sa PMPC Star Awards for Movies lalo na ‘yung mga karapat-dapat.

Mabibigat po ang iba pang nominado, lahat ay deserving, kung sino man ang makakukuha ng mas maraming boto, ngayon pa lang po ay binabati na natin …

Congratulations PMPC awardees!

At doon naman sa mga walang magawa kundi mainsekyur sa inyong lingkod … eat your heart out na lang…

Wala po tayong magagawa … sabi nga ‘e, “you reap what you sow.”

Muli, maraming salamat po sa nominasyon ng PMPC.

SEN. DENGGOY ‘este’ JINGGOY NAMBU-BULLY NA!?

HETO na.

Lumalabas na ang naturalesa ni Senator Denggoy ‘este Jinggoy Estrada.

Mukhang hindi niya ikokompirma sa kanilang appointment sina Justice Secretary Leila De Lima at Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza.

Personalan ba ang appointment ng ‘makapangyarihang’ Commission on Appointments?

Ang siste, balewala naman kay Secretary De Lima ang pambu-BULLY nin Denggoy ‘este’ Jinggoy.

Sabi nga ni Secretary De Lima, ang importante ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanya.

Aniya, hindi rin umano personalan ang issue ngayon kay Senatong ‘este’ Senator na bit-sa sa pork barrel scam dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin.

Oo nga naman Senator Jinggoy … Hindi ka naman kailangan magbanta-banta nang ganyan.

Hehehehehe … cool ka lang … isang magaling na abogado ang kailangan mo hindi ang pagiging daldalero mo.

ALIAS ANA PERIE, BOOKIES QUEEN NG MAYNILA
(ATTN: NCRPO R/D Gen. CARMELO  VALMORIA)

HATAW ang 200 butas ng ILEGAL na bookies ng isang alyas ANA PERIE  na nagsisilbing financier sa lungsod ng Maynila.

Sinasabing si ANA BOOKIES  ang nagpatuloy ng mga namumutiktik na butas ng ilegal na bookies ng kabayo, jai-alai, bol-alai at lotteng na dating hawak at binitawan ng isang bigtime BOOKIES king na si TATA APENG SY sa Maynila.

Namamayagpag ngayon sa TONDO-1, TONDO-2 at Sampaloc, Maynila ang mga ‘timbradong’  butas ng ilegal na sugal nitong si MADAM ANA PERIE.

Isang nagpapakilalang PEKING naman ang nagsisilbing ‘PAGADOR’ ni Ana Bookies na tagadala ng INTILEHENSYA sa mga pulis sa Maynila at sa Manila city hall.

Ipinagmamalaki pa raw ni MADAM ANA PERIE na BFF n’ya ang mga ‘SIGA’ sa Office of the Vice Mayor at mga katongpats n’ya sa Manila Vice Squad na lagi naman sarado  ang opisina sa ground floor ng city hall!?

Sonabagan!!!

Nakalatag ang bookies ni Ana Perie sa mga nasasakupan ng  MPD PS-1, PS-3, PS-10 at PS-7 dahil sanggang dikit n’ya ang  Untouchable PULIS KOLEKTONG ng MPD at BICUTAN na si TATA BONG TONG KRUS na siyang nagkamada ng mga butas n’ya sa Kamaynilaan.

Tinatalo pa raw ngayon ni Ana Perie ang mga largadong butas ng BOOKIES nina BOY ABANG SIMBULAN, TATA PAKNOY at PASYA dahil sa laki at largado ang kanilang ingreso ng TARA y TANGGA sa MPD, MASA at CIDG Manila.

Oo nga pala, madaling makilala si Pagador Peking kapag nagde-deliver ng ‘parating’ sa MPD. Lagi siyang nakasakay sa isang motorsiklo na PULANG DINK-150cc.

Tama ba ako MASA Head Major Bernabe Irinco?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply