Friday , February 3 2023

Mindanao lalong maghihirap!

TIYAK na lalong mababaon sa karukhaan ang Mindanao.

Ito ang ating tinitiyak matapos hindi asikasuhin ng pamahalaang kasalukuyan ang problema sa enerhiya ng rehiyon dahil na rin sa kapabayaan at hindi pagtutok ng mga opisyales ng Department of Energy (DoE) at iba pang ahensiya na may kinalaman sa pagbibigay at pag-aayos ng suplay ng koryente rito.

Mabigat ang darating sa Mindanao dahil ang kasing kahulugan ng patuloy na blackout ay kabawasan o pagbagsak ng ekonomiya ng naturang lugar.

Mawawalan din ng saysay at silbi ang peace effort ng pamahalaang Aquino sa area, lalo’t ang pakikipag-usap at pakikipagkasundo nito sa ilang Muslim groups at leaders dahil hindi magkakaroon ng ganap na pag-unlad ang lugar kung isang aspeto lamang ang kanilang tinutugunan.

Marapat lamang na sabay ang pagtutok sa aspeto ng pag-unlad at kapayapaan ng pamahalaan kaya’t masasabi natin magiging konkretong bagsak ang tinutungong daan ng Malakanyang dahil iisang aspeto lamang ang kanilang tinutukan.

Kulang ang peace effort dahil pinabayaan nila ang problema sa kakulangan ng suplay ng koryente at dahil dito lalong tiyak na magiging pangarap na lamang ang sinasabing pagbangon ng Mindanao.

Malinaw sa kalatas na pinalabas ng DoE na bulok na kagamitan ang dahilan ng pagbagsak ng power sa rehiyon at dito kitang-kita ang kapabayaan ng gobyerno.

Alam nilang tiyak noon pa na babagsak ang power sa Mindanao  sa dahilang nabanggit pero nagbulag-bulagan at nanatili silang nganga sa pagtugon rito.

Drastikong aksyon ang kailangan ngayon ni PNoy sa problemang ito, at iyan ang aabangan ng Mindanao dahil ngayon nila masusubok kung talagang concern sa kanila ang pangulo.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

money thief

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa …

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Leave a Reply