Tuesday , September 27 2022

Collector Matugas, mabuhay ka!

NAPAKAGANDA ang ginagawa ni Collector Francisco Matugas sa NAIA Pair Cargo dahil simula noong pamunuan niya ito talagang mahigpit ang kanyang kautusan na pag-ibayuhin ang tamang pagbabayad ng buwis dahil na rin sa kautusan ni Finance Secretary Purisima at Comm. Sevilla na pag-ibayuhin ang lahat ng dapat bayaran ng buwis para sa gobyerno.

Ang pamilya niya sa Visayas region ay kahanga-hanga dahil sa kanilang kababaang loob.

Si Collector Matugas ay God fearing din at hindi nagkamali ang matataas na opisyal sa pagkakatalaga sa kanya sa NAIA Pair Cargo.

Kaya naman bilib ang mga tauhan niya sa kanya at sila ang nagtutulong-tulong at nagkakaisa para makamit ang kanilang collection target sa pangunguna ni District Collector Edgar Macabeo at Deputy Collector Emer Aceron, Deputy Collector Kriden Balgomera, at ilang matataas na opisyal ng NAIA.

Ganoondin ka-sincere si Collector Matugas na ituloy ang pagtulong sa mga biktima ng Yolanda sa nagdaang delubyo at taos pusong tumutulong ang Matugas family sa mga nangangailangan doon.

Sabi ng mga broker na aking nakapanayam “Jimmy kakaiba si Collector Matugas, madaling kausap at approachable.” Kaya naman ako’y naniniwala na malayo pa ang mararating ng isang Collector Matugas sa Pair Cargo.

Mabuhay ka Collector at sana pagpalain ka nawa ng ating Panginoon sa ‘yong magandang paglalakbay sa mundong ito.

***

Sana naman ‘yung mga tulong na halos bilyong dolyares ay ipamahagi na sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda kasi nakikita ko at maraming tumatawag sa akin na may part sa Visayas region na mukhang hindi pa nagagawa at marami pang nagugutom doon.

Sana naman po ang mga namumuno para sa rehabilitasyon at walang makain sa Visayas region ay puntahan po ninyo, maawa po kayo.

Tandaan natin ito, huwag natin gamitin ang pera at kapangyarihan para kurakutin ang mga tulong na galing sa ibang bansa para sa kanila.

Nanawagan muli ako sa buong Visayas region na magkaisa kayo diyan, magdasal at magtulungan.

Bangon Visayas region.

Lalong-lalo na ‘yung mga naulila ng nasabing delubyo.

Siguro ito ay paggising sa buong mundo na magnilay-nilay naman tayo paminsan-minsan sa ating Panginoon kasi sa nakikita ko sa bansa natin ay nag-a-away-away sa pera at kapangyarihan.

Kawawa ang taong bayan.

Let’s praise God.

God bless us all!

***

Congratulations sa magandang pamumuno ni Deputy Director Ruel Lasala dahil maganda ang ginagampanan niya sa lahat ng operating unit ng NBI.

Kakaiba si Deputy Director Lasala dahil mapagkumbaba at maraming natutulungan.

Naalala ko pa tuloy noong NCR director siya na may sumabog sa loob ng NBI na parang faulty wire na ikinamatay ng NBI Agent na ngayon ay tinutulungan niya ang naulilang pamilya ng biktima hanggang ngayon.

Dep. Dir. Lasala you’re one of a kind.

Jimmy Salgado

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Njel de Mesa The Miranda Bomb

Direk Njel de Mesa, pasabog ang short film na The Miranda Bomb               

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang …

Wilbert Ross Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca GB Sampedro

Wilbert Ross, tinuhog ang limang Vivamax stars sa pelikulang 5 in 1

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio “FEELING ko, ako iyong pinakamagandang lalaki sa buong mundo ngayon, …

Jane de Leon Darna

Jane napikon sa bintang na ‘di bagay mag-Darna

NAPIPIKON na pala si Jane de Leon sa mga basher/detractors niya na nagsasabi na hindi siya bagay …

Leave a Reply