Thursday , June 4 2026

Customs pinatatakbo ng mga 0IC

Hindi alam ng publiko pero ang customs ay pinatatakbo ng mga OIC (officer in charge) at ang kanilang designation ay “on detail” habang ang mga pina-litan nila ay pawang mga career executives, iyong iba ay presidential appointees.

Pero sa bibig mismo ni OIC Commissioner John “Sunny” Sevilla  na  kauupo  lamang  last week kapalit ng nagbitiw na si Ruffy Biazon  na  hanggang  two  months lang siya. Gayon din kaya ang magiging status ng marami pang mga OIC na hinugot lahat kasama si Sevilla mula Department of Finance kung saan sila nagsipag-training ukol sa customs operations and administration.

Ngayon lang nangyari sa customs na halos lahat ng matataas na opisyales mula sa deputy commissioner, sa mga director, port/district collector na may mas mababang item, ang mga lawyer at lately, tila pati na ang mga examiner/appraiser,  hahakutin na rin pa DoF sa  bagong likha na office, ang Customs Police Research Office (CPR0)

Kaya bang gawin sa madaling panahon ang pagiging appraiser  halimbawa ng chemicals, mga  uri  ng bakal,  at ibang technical terms/description sa madaling panahon.

Kung ano pa ang sasabihin ng mga kritiko ng palasyo, isang “grand coup,” simbolo ng strong political will ni Purisima ang nangyari sa Kustoms,at halos natulala na lang si Biazon sa napakabilis na mga pangyaya. Ang nangyari pa, ibibigay na lang kay Biazon ay draft ng transfer order na pirmado ni Purisima para sa kanyang signature.

Wala ni isa sa mga kinagugulatan na politiko (senador or kongresman) ang nangahas makialam. Kasi dahil sila mismo iginigisa ukol sa Pl0-billion Napoles pork barrel scam. Ito ay matatawag na isang good side ni Janet Napoles, nawala iyong kinagugulatan ni Biazon na umano ay  humaharang sa kanyang balaking pag-reshuffle sa big guns tulad na lang ng “Three Kings” political will na hindi ginamit ni Biazon pero madaling naisakatuparan ni Finance Secretary Cesar Purisima.

Para marahil mapilitan si Biazon na lisanin na ang Bureau sa kabila ng kanyang paghahangad na tumagal pa marahil para maisakatuparan ang kanyang reform agenda  tulad ng paggawa ng bagong batas na Customs Moderization Bill. Long shot ito, taon ang bibilangin nito sa kongreso.

Ano ba talaga ang game plan ng palasyo sa customs sa ilalim ng mga bagitong pinuno tulad ni OIC Commissioner  Sevilla na nagsabi kaagad na siya ay dalawang buwan lang mananatili.

Umamin na rin si Sevilla  na there is no way na maabot ang target na P340-billion para sa 20l3. Maski iyong sabi  ni Biazon na aabot sa P300B na goal niya ang collection, malabo rin.

Ang pagkakaiba ni Biazon sa pumalit sa kanya, si Sevilla ay isang technocrat  na expert sa corporate planning at privatization, si Biazon naman ay politician na sa higit 26 months na maraming lubhang mga alibi na kanyang ibinigay sa hindi pag-abot ng kanyang target.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …