Friday , May 24 2024

“Money ordinance”

For God did not send his Son into the world to condemn the world, but to save the world through him.—John 3:17

MATINDI pala ang nangyayari riyan sa Manila City Council. Karamihan daw sa mga ginagawang ordinansa sa Konseho ay may”money involved” o ito ‘yun kung tawagin ay “money ordinance.”

Mga ordinansa o batas na ginagawa ng mga deputa este deputadong mga Konsehal na ang layunin ay “legal na mangikil” sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga ordinansa sa Konseho.

***

HALIMBAWA kapag may expropriation ordinance ukol sa lupa ay kailangan may “panuhol” ka sa mag-iisponsor na Konsehal; kapag hihiling ka naman na gumawa ng ordinansa ukol sa “jeepney terminal” kailangan din ang “lagay.”

Kaya kung nais mo gawin pribadong lugar ang isang public places, lumapit ka lang sa mga deputa-dong konsehal basta may “cash-sunduan” maayos, makagagawa sila ng ordinansa na papabor sa sa’yo.

***

KAPAG nais naman nilang i-harass ang isang grupo o sektor ay gagawa naman sila ng ordinansa gaya ng pagpapataw ng mataas na multa sa loading at unloading area.

Sa kanilang bagong ipinasang ordinansa ang unang offense ay may pataw na multang P1,000; 2nd offense ay P2,000; 3rd offenseP3,000 at ang 4th offense ay P4,000.

Hindi nila alintana na ang higit na tatatamaan dito ay PUVs!

***

ANG tanong nga ni Ka Zeny Maranan ng FEJODAP, bakit laging mga jeepney drivers ang pinag-iinitan gayong sila ay nagbibigay ng ser-bisyo sa publiko?

Dahil aniya, habang lumalaki ang penalty, lalong lumalaki rin ang hinihinging ‘kotong’ ng traffic enforcers. Ikakatwiran kasi ng mga ‘kotongero’ na sa kanila kalahati lamang ang ‘multa.’

So, kung naka-4th offense ka na, P2,000 lang ang ilalatag mo sa mga “kotongero traffic enforcers!

***

HINDI naman natin nilalahat dahil may ilan pa rin naman matitinong “Honorable Councilors” sa Maynila na ang iniisip ay kapakanan ng kanilang constituents.

May mga Councilor pa rin na ang layunin ay maglingkod at hindi paglingkuran. Gumawa ng mga ordinansa na magpapaangat sa buhay ng mga taga-Maynila.

May mga konsehal pa rin na ayaw ng “maperang ordinansa!”

***

TAMA ang obserbasyon ni Ka Zeny, imbes ipagtanggol ang jeepney drivers at operators, ang kanilang hanay ang ginigipit at pinapahirapan ng city hall.

Kaya posibleng maulit muli ang ginawa nilang transport strike sa Maynila, kapag hindi pinakinggan ang kanilang panig. Nitong Biyernes pa nila ibinigay ang sulat-kahilingan nila kay Pa-ngulong Erap para sa isang dialogue, para ma-ilahad ang lahat ng kanilang sumbong laban sa traffic enforcers.

Pakinggan po sana natin sila Pangulong Erap!

MGA BASTOS

ANG TAUHAN

NI PHILIP SA LIGA

MAY nagpadala sa atin ng impormasyon na mayayabang, bastos at arogante raw pala ang mga tauhan ni Philip Lacuna sa Liga ng mga Barangay.

Lalo na ang mga tauhan niya sa kanyang opisina sa 4th floor ng Manila City hall. Akala mo raw ay hindi na maalis sa kanilang puwesto ang kanilang amo.

***

KAPAG hindi ka nila ‘kakampi’ ginigipit at bina-balewala lamang nila ang mga taong lumalapit sa kanilang opisina.

Mas madalas ay nagkukuwentohan lamang o naglalaro ng games sa loob ng opisina. Sumasahod sila sa Liga mang walang ginagawa kundi maghintay ng ‘contractor o brgy officials’ na:”maglalagay sa kanila.

***

MARAMING mga barangay officials ang nakararanas ng kawalang modo at asal ng mga tauhan ni Philip.

Kaya tama lamang palitan na ang kanilang amo, para mapalitan naman ng mga matitinong tauhan sa Liga.

Palitan na natin si Philip sa Liga sa Dis-yembre 18!

TEXT REACTS!

“PAHIRAP ANG TENTS”

Gud am che, sbrang phirap tlga ang mga tent sa amin pinapahuli kmi s Masa kht gabi na at my ngre2klamo tga-DPWH n bkit isinara ang daanan msikip dw at organiser Caloy pla ang tmtwag s mga pulis sobra tlga phrap cla samin kng d lng msama pumatay ng tao bka pntaya k lhat ng mga organizer!—number withheld

PALENGKE SA CITY HALL

Bket gn2 ngaun sa palgid ng mla cthal minsan lng ako npunta prang palengke n ang paligid puro vendors kaliwa’t-kanan, wala ng madaanan ang mga tao, wla nman bumibili s mga tents na yan!—091243671+++

ASAR KAY TRAFFIC CZAR

Nakaka-asar nman tlga ‘yan traffic czar na ‘yan wla nman ngawa mabuti pra maayos ang trapiko, dhil kolektor nya mismo nariyan sa ofc of d vice myor nagtatrabaho!—093262104+++

HINAHANAP ANG JEEP NI ERAP

Lging pinag-iinitan ang mga tsuper s mynila, kmi ay legal na naghahanap-buhay lamang sa lansangan, boladas lng tlaga ang jeep ni erap, kala namin ka2mpi cya ng mga tsuper, put…….! —09351938+++

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Mr DIY Brigada Pagbasa 1

Teachers for a Day: MR.DIY, World Vision, empower Baseco Youth through ‘Brigada Pagbasa’

Volunteers from MR.DIY engaging in fun activities with 34 schoolchildren from the Sen. Benigno Aquino …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *