MANGGAGAWA man o pensiyonado, ang bawat mamimili ay nagiging Santa Claus tuwing Pasko.
Una, gagawa siya ng sariling Christmas list bago pag-iisipan kung ano ang maireregalo sa bawat isa sa mga nasa listahan depende sa kanyang budget.
Isang diamond ring o hikaw na fancy, iPhone o iFeng, Gold Rolex o stainless na Lolex wristwatch, Pajero jeep o “Pareho” toy van, hindi na ‘yun mahalaga. Sabi nga nila, “It’s the thought that counts.”
Ang tunay na halaga ng regalo ay hindi ‘yung kung magkano ito nabili sa department stores, ngunit sa katotohanang may isang tao na nakaalalang regaluhan ka at naa-appreciate ang inyong pagkakaibigan.
Ang pag-iiwan ng price tag sa nakabalot na regalo, lalo na kung may kamahalan ito, ay katumbas ng pasimpleng pagyayabang at parang nagpepresyo sa taong bibigyan nito. Sinadya man o hindi, ipinapakita nito ang turing ng nagregalo sa niregaluhan.
Ito malamang ang gustong bigyang-diin ng isang babaeng shopper nang pumalpak sa kanilang trabaho ang mga empleyado sa gift-wrapping section ng isang store sa Quezon City.
Noong nakaraang linggo, nagpabalot ng regalo ang babae sa nasabing section ng tinda-han. Nang matapos nang balutin ang mga regalo, nagdesisyon ang babae na ilagay sa kahon ang isa sa mga ipinabalot.
Inalis niya ang wrapper para maikahon ang regalo at ganun na lang ang gulat niya nang malaman na nakakabit pa ang price tag sa regalo. Nagreklamo siya uli pero nagturuan lang ang mga empleyado.
Nang makauwi na, tsinek ng babae ang tatlo pang nakabalot na regalo at nakumpirma niyang may price tag din ang lahat ng ito.
Para namang walang kaide-ideya ang na-sabing mga empleyado sa magiging epekto ng kanilang ginawa: ang kahihiyang idudulot nito sa babaeng Christmas shopper. Kung sakali, tulu-yan nang nasira ng kapalpakang ‘yun ang tunay na mensahe ng pagreregalo.
‘Di ko na lang papangalanan ang store, pero dapat na magsilbing warning ito sa lahat ng shop sa mga mall at department stores: Dapat na turuan ng mga negosyante ang kani-kanilang em-pleyado sa ‘tamang’ pagbabalot ng mga regalo, gaano man kasimple ang trabahong ito.
***
SHORT BURSTS. Sa Facebook, nag-react si Nora Dyosa Braganza sa kolum na “Militarisas-yon sa Customs?” noong nakaraang Huwebes: Ganun? Now am thinking of leaving oep business and become one with men in uniform… my take on d matter: one need not focus only on d military background of those appointed- they must have other special qualifications which led them to where they are now. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com