Saturday , May 25 2024

Batangas City COP, ‘di naman inutil pero … Ba’t siya’y tameme

HINDI naman inutil at sa halip ay malakas pa sa kalabaw ang hepe ng Batangas City na si Supt. Manuel Castillo. Ngunit sa kabila ng kalakasan ng opisyal, ba’t kaya mistula siyang tameme o walang hakbang laban sa pagkabuhay ng mga ilegal na sugalan sa kanyang area of responsibility.

Bakit nga ba hepe? Ano sa palagay n’yo — kayong mga taga-Batangas City? Ano pa nga ba? Ano!?

Sa info, bago maupo si Castillo sa ginintuang trono ng pulisya ng lungsod ay halos wala nang ilegal na pasugalan sa lungsod. Ibig sabihin ng halos ay mayroon pa rin sugalan pero hindi talamak.

Pero ilang linggo ang nakalipas ay biglang nagsulputan ang mga pasugalan. Ops, hindi ko sinasabing may kinalaman si hepe sa pagsulputan ng mga pasugalan. Pero bakit nga ba parang kabute na ang mga ilegal na aktibidades sa Batangas City?

Sa pagkakaalam nga ng nakararami ay malinis na ang lungsod pero iyon pala ay maluwag ang pulisya ng lungsod ngayon lalo na ang lokal na pamahalaan. Kayo naman mga suki, magpaPasko kaya. Kunsabagay nga naman kaya … Pasko na naman, o kay tulin ng araw … he … he … Merry Christmas! Pero, ano pa man, halos nga po nahinto noon pero nagtataka naman ang ilang insider sa city hall at pulisya ng lungsod kung bakit nagsibalikan ang mga salot.

Bakit nga ba  Kernel Castillo? Sino kaya ang nag-utos o nagbigay basbas sa mga operator ng kailegalan sa lungsod? Ano sa tingin n’yo mga taga-Batangas City, wala kayang kinalaman si Mr. Castillo?

Nagkaroon pa nga raw ng pulong bago nagbukasan uli ang mga salot.

Anyway hepe, kung hindi pa nakararating sa kaalaman mo ang mga kumikilos na salot sa syudad, narito ang ilang info.

Pero imposibleng hindi pa nakararating sa inyong kaalaman ang lahat, samantala napakaga-ling mong opisyal. Ibig sabihin ay malawak daw ang intel network mo. Ops, anong klaseng intel kaya ‘yan?

Sige na nga, narito po Mr. Castillo ang mga salot sa lugar mo na ewan ko kung kayang mong aksyonan.

Heto ang mga salot na muling nagsibalik sa lungsod:

1. Paihi ng mga tanker na pinatatakbo nina alyas “Manolo” at alyas “Kontreras”  na ang teritoryo ay sa Banaba; alyas “Danny”at alyas “Bernabe” nag-o-operate sa Pallocan; alyas “Rey” at alyas “Antenor” sa Diversion Road naman.

O hepe, ‘wag mong sabihin na hindi pa nakararating sa iyo ang info hinggil dito. Kung ang sagot mo ay hindi pa nga, aba’y napakahina mo naman este, ng intelligence network mo. Sorry mali po. Nag-hepe ka pa! Ay sorry uli po sir.

2. Peryahan kuno na prente  naman ng su-galan – “color game” kumbaga ang pinakalaro dito. Nagkalat dito saan man dako ng lungsod. Pinatatakbo ito nina alyas “Tessie,”alyas “Palot,” at alyas “Pearly.”

Hayan Kernel, daming info na iyan. Hindi mo pa rin ba alam ‘yan? Kung hindi pa, ewan kung ano ang dapat na itawag sa iyo?

Booooo … boooo … booo … ops kantiyaw iyan ha at hindi iyong iniisip n’yo.

Ops, hindi lang ito ang mga nabuhay na salot sa nasasakupan mo Mr. Castillo kundi marami pa.  Pero iyan muna ang paunang info ko sa ‘yo na batid ko’y hindi lingid sa iyong kaalaman.

E sino naman itong isang alyas “Adel” ba iyon  o alyas  “Edel?”

Ayon sa info ay totoo bang ginagamit niya sa kakaibang mga transaksyon sa Batangas City ang pangalan nina Batangas Gov. Vilma Santos at Batangas City Mayor Eduardo Dimakuha?

Abangan.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Mr DIY Brigada Pagbasa 1

Teachers for a Day: MR.DIY, World Vision, empower Baseco Youth through ‘Brigada Pagbasa’

Volunteers from MR.DIY engaging in fun activities with 34 schoolchildren from the Sen. Benigno Aquino …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *