RATED R
ni Rommel Gonzales
UNANG akala namin ay isang GL o Girls Love movie ang Look Back.
Pero hindi pala, hindi ito tungkol sa lesbianism, bagkus ay kuwento ito ng isang wagas at tunay na pagmamahal ng dalawang matalik na magkaibigang babae.
Hango ang Look Back sa popular na Manga novel sa Japan at pinagbibidahan nina Deguchi Natsuki, Makita Aju, Nanase Furi, Okada Rokka, at marami pang iba, sa direksiyon at panulat ni Koreeda Hirokazu.
Mahusay at natural ang akting ng mga gumanap sa pelikula mula sa mga bata o teens hanggang sa kanilang pagdadalaga.
Hindi man kami big fan ng mga Manga novel pero na-appreciate namin ang pagkakalahad ng kabuuang kuwento ng pelikula.
Napakalaki ng naitulong sa pelikula ng mahusay na cinematography at halos flawless production.
Mas mauunawaan ang takbo ng istorya dahil sa mga nabanggit na aspeto na kadalasang malaki ang nagiging kontribusyon sa anumang pelikula o proyekto.
Mula ito sa K2 Pictures at ini-release ng CreaZion Studios International.
Maraming fans ang naturang Manga novel na mga eksperto sa mga detalye sa pelikula at kuwento dahil nasagot nila ang mga trivia question during the premiere of the movie at tilian sila lalo na sa mga eksenang nagpapakita ng halos walang hangganan at limitasyon ng pagmamahalan ng dalawang magkaibigang bida.
