Nadine ipinarinig mga kantang ipapaloob sa bagong album

Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY na naganap ang listening experience party ni Nadine Lustre sa The Peninsula Manila noong November 22, 2026 (Linggo ).

Naganap ang Nadine Lustre × TLI Radio: The Listening Sunset Experience sa The Pool Bar ng The Peninsula Manila na dinaluhan ng 400 guests.

Nagbigay ng pa-sample si Nadine sa mga awiting mapapaloob sa kanyang album. Kaya naman masuwerte ang mga dumalo dahil sila ang unang nakapakinig sa mga kanta na mapapasama sa bagong album ni Nadine.

Tsika nga ng mga faney na dumalo, lahat ng mga kanta ay maganda at pang-international ang tunog na gustong-gusto nila.