Sheryl okey makipagtrabaho kay Romnick

Sheryl Cruz Romnick Sarmenta

MA at PA
ni Rommel Placente

OPEN pa rin si Sheryl Cruz na makatrabaho sa pelikula o magkaroon sila ng reunion movie ng dating ka-loveteam na si Romnick Sarmenta.

Ang huling pelikulang ginawa nila ay ang Kung Tayo’y Magkakalayo na ipinalabas noong 1993 pa.

“Wala naman akong problema roon (makatrabaho muli si Romnick). Alam ‘yan ni ateng Rams (David, her manager).

“Actually siguro, scheduling, and the right project.

“At saka siguro ‘pag may magandang istorya, at maayos na budget.

“Kasi hindi naman ‘yan basta-basta pwedeng madaliin.

“Reunion film,’di ba mas maganda ‘yung malakihan?”

Samantala, single pa rin hanggang ngayon ang mahusay na singer-actress. Hindi pa rin siya pumapasok sa isang relasyon.

Pero aminado siya na nakikipag-date.

“I’m single, ‘di ba? So I can see many guys as I want to.

“Wala pa (napipili) because ‘di ba, I have to be very, very selective?

“After everything I’ve done during the past, I’m very selective and be careful also.”

Nakausap namin si Sheryl after siyang parangalan sa 7th Laguna Excellence Awards ng Outstanding Actress & Entertainment Icon Award.

Congratulations Sheryl!