Ari’el pinahanga si Lani Misalucha

Lani Misalucha Ariel

MATABIL
ni John Fontanilla

HINANGAAN ng magaling na singer na si Lani Misalucha ang husay sa pagkanta ni Ari’el.

Kuwento ng aming source, na sa katatapos na concert ni JMRTN, habang kumakanta si Ari’el ng Part of your World,  awitin mula sa Little Mermaid, ay napatanong si Lani ng, ‘Sino ‘yung kumakanta, napakalinis ng falsetto, napakahusay kumanta.’

Pinuri rin ni Lani si Ari’el pagkatapos kumanta sabay sabing, “Ang ganda ng falsetto mo, ang linis.” Na labis na ikinakilig ng baguhang singer.

Ani Ari’el, isang malaking karangalan na mapuri ng isa sa kanyang iniidolong singer at isa sa tinitingalang singer sa bansa.

Wish nito na maka-collab si Lani at makasama muli sa isang konsiyerto.

Sa ngayon ay abala si Ari’el sa promotion ng kanyang Christmas song na Regalo ng Pasko na komposisyon ng kanyang manager na si Otek Lopez at sa shoot ng music video.