Sanya Lopez FHM PH November Cover Girl  

FHM

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINANGUNAHAN ni Sanya Lopez ang pagbabalik ng FHM Philippines bilang cover girl nito sa November 2026 edition. Minarkahan ni Sanya ang pagbabalik ng men’s lifestyle brand na digital na. Isinagawa ang unveiling bilang cover girl ni Sanya noong November 6.

Kasabay nito, ipinakilala rin ang limang na naggagandahang dilag na  pinakabagong featured girls para sa November 2026 edition. Ito ay sina Faye Lorenzo, Vanessa Peña, Liezel Lopez, Analyn Barro, at Arra San Agustin.

Ayon kay Sanya, ipinagmamalaki niyang maging bahagi ng pagbabalik ng men’s magazine, at iginiit ang kahalagahan ng women empowerment at self-expression.

“For me kasi, women empowerment talaga is important. And for me, sexuality is not what you see in physicality, but you feel it in your mind and spirit,” anang GMA actress.

“Right now, I’m proud na ako isa ako naging cover girl ng FHM because I hope na maraming mga kababaihan ang ma-inspire ko,” sabi pa.

Naghahatid si Faye ang katatawan na may totoong puso. Bitbit naman nfi Liezel ang katapangang hindi humihingi ng permiso. Si Vanessa naman ay nagbibigay kaluwagan sa babaeng bumuo ng sariling tagapanood. Dala-dala naman ni Analyn ang kompiyansa dulot ng ilang taong pagtatrabaho sa harap ng kamera pati ang lakas ng loob na gumanap sa kanyang kauna-unahang papel bilang leading lady. Si Arra ay may taglay na husay at ganda na hindi pilit. 

Iba-iba man ang kanilang enerhiya ngunit tugma namana ng kanilang mga instinct. Bawat isa s akanila ay nagpasya kung sino siya bago pa man ito magawa ang iba.

Ang FHM PH digital ay nasa ilalim ng PlayTime Entertainment. Nagbabalik ito pagkatapos ng halos isang dekadang pagkawala.  

Sabi nga ni Adela-Mae Marshal, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment ang bagong FHM ay naglalayong mapanatili ang lugar sa Philippine pop culture habang gumagamit ng mas collaborative na diskarte na nagtatampok ng mga kababaihan.

“We’re not trying to erase that history. There’s an FHM of one generation, and this is very much an FHM of this generation,” anito.

Ani Marshall, ang mga itinatampok na kababaihan ay magkakaroon ng kontrol sa kung paano sila ipakikita, kasama ang kanilang mga konsepto at estilo.

“We really want this to be a collaborative experience. We want to empower our featured girls to speak their mind. I think that’s also really sexy too,” sabi ni Marshall.

Bukas din sila sa pagtatampok ng mga transgender na layunin nilang ipagdiwang ang kagandahan sa iba’t ibang anyo nito.

“It’s a new era. And it’s a new FHM for a new generation.

“We’re not exclusive. Beauty is not exclusive. So whatever is beautiful, we will celebrate,” wika pa nito.

Sinabi naman ng presidente ng PlayTime Entertainment na si Crisanto Roy Alcid na ang muling paglulunsad na FHM ay mag-aalok ng kakaibang karanasan mula sa dati nitong magazine format, na may mga plano para sa isang nakae-engganyong digital platform at isang app.

Sinabi pa nitong maglalabas din sila ng limitadong print edition para sa mga mambabasa na mas gusto ang tradisyonal na format ng magazine nito.