Lance Raymundo gumagawa ng pangalan sa int’l scene

Lance Raymundo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ISA na namang Filipino ang pinag-uusapan at gumagawa ng pangalan sa international scene. Si Lance Raymundo na maihehelera na rin kina Manny Pacquiao, Alex Eala, Apl. de. Ap, at Olivia Rodrigo kung hosting ang pag-uusapan.

Isang kilalang tanyag na host sa mga international beauty pageant at iba pang nangungunang mga kaganapan sa iba’t ibang bansa kilala si Lance. Kilala siya bilang isang Filipino celebrity host sa malalaking international events sa ibang bansa tulad ng Miss Universe India, Miss Grand Bangladesh, Miss Teen Universe sa Colombia, Miss Teen International sa Cambodia, Mister India Universe at iba pa.

Sa pag-uwi ni Lance mula sa kanyang international stints, tututukan naman nito ang kanyang Holiday single, isang electropop na bersiyon ng Silent Night sa ilalim ng Viva Records na tamang-tama ngayong Kapaskuhan. 

Abangan din ang nalalapit niyang na thanksgiving concert sa Viva Cafe sa Disyembre 2026.

Makakasama niya rito ang celebrity brother niyang (90’s top Philippine Pop singer) si Rannie Raymundo, 2013 Bb Pilipinas Grand Queen, singer at Viva Artist Ali Forbes, at ang Viva actress/singer ding si Chase Romero.

Itatampok din sa thanksgiving concert ni Lance ang PARFUM,  pinakabagong P-Pop girl group na sumali sa Viva Artists Agency (VAA).