RATED R
ni Rommel Gonzales
VERY close ngayon sina Ashtine Olviga at David Licauco dahil magkasama sila sa Fight For My Way ng Viva One.
“Sobrang na-appreciate ko po si David kasi napansin ko sobrang patient niya and understanding din,” pahayag ni Ashtine.
“Kumbaga minsan nag-i-struggle ako sa taping namin pero hindi niya Ipinaramdam sa akin na, ‘Ano ba iyan? You’re taking too much time’, ganyan-ganyan. ‘Dapat nagpapahinga na ako.’
“Parang ganoon.
“Iyon so, sobrang na-appreciate ko po sa kanya ‘yung ganoon.”
Ayon naman kay David, “Na-appreciate ko rin talaga siya!
“She’s a nice person and magaling siyang actress, she comes on set na prepared, memorized niya ‘yung lines niya and then, mabait siya sa lahat ng tao, eh.
“So hindi mo mapi-feel na ano siya, na actress. So, I think maganda ‘yung ganoon.”
Handa ba sila kung may kissing scenes sa Pinoy adaptation ng Fight For My Way ni direk Crisanto Aquino na streaming na this coming November 20?
“Nakakakaba po pero kailangan po naming i-fight-fight-fight,” ang natatawang sagot ni Ashtine.
Game naman sila kung sakali.
“Opo, ako po, opo,” sinabi pa rin ni Ashtine. “Kailangan po eh, siyempre adaptation po ito so, kailangang gawin namin.”
“Ako, oo, siyempre,” sinabi naman ni David. “Oo naman, kailangan. Ready na! Bumili na nga ako ng mouthwash, sampu!”
Si Ashtine rin ba ay may nakahandang mouthwash?
“Nagma-mouthwash naman po ako kahit wala akong ka-kissing scene,” sambit ni Ashtine sabay-hampas sa katabing si David.
Ang Fight For My Way ay 2017 South Korean TV series na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Kim Ji-won kasama sina Ahn Jae-hong at Song Ha-yoon.
Ang 2026 Pinoy adaptation ng Viva One ay tampok sina David at Ashtine kasama sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan.
