ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Connie’s Skincare Essentials ay isang Filipino skincare brand na itinatag ni Connie Garolacan, isang passionate na entrepreneur at dating OFW na naniniwalang ang kagandahan, tiwala sa sarili, at mga oportunidad para magtagumpay ay dapat na accessible sa bawat Filipino.
Tubong Dumangas, Iloilo at nagtapos ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, naiintindihan ni Ms. Connie ang kahalagahan ng pagtitiyaga, dedikasyon, at pagsusumikap. Ang kanyang pagiging OFW ang nagbigay-inspirasyon sa isang negosyong higit pa sa simpleng pag-aalaga ng balat (skincare): isang brand na binuo upang ipagdiwang ang pangangalaga sa sarili habang nagbibigay ng oportunidad sa mga nagnanais maging negosyante, reseller, at mga kapwa niya OFW.
Nakabibilib ang businesswoman na ito, dahil dati siyang kasambahay na nagsikap nang husto para magtagumpay sa buhay at ngayon ay isa na siyang CEO ng Connie’s Skincare Essentials.
Kabilang sa ipinagmamalaki nitong produkto ay ang lotion, soap, sunscreen, BB cream, serum at rejuvenating set.
Nagkuwento si Ms. Connie kung paano nagsimula ang kanyang business.
Aniya, “Nagsimula itong Connie’s Skincare dahil na-inspire po ako ng mga subscriber ko. I’m not really active on social media, but because of them, na-inspire ako kasi I’m into charity. Ito ‘yung naisipan ko na in the future makatutulong ako sa kanila. Na mabibigyan ko sila nang pagkakataon na magkaroon ng sariling business.
“Ito ay available na, and soon sa Watson’s din, ang product natin ay organic and inspired by Korean skincare beauty. Talagang this formulation is really amazing, talagang pinaghandaan ko ito at ito ang product na ginagamit ko. I’m 50 years old and I’m using it myself.”
Wala pa siyang endorser, pero if given a chance, gusto niya ang beauty ni Ivana Alawi at kung kakayanin, bet niya si dating Miss Universe Pia Wurtzbach dahil gandang-ganda siya sa beauty queen.
Proud si Ms. Connie sa pinagmulan, na bago siya naging CEO ay dati siyang housekeeper sa Hong Kong. Sa kanyang sipag at tiyaga ay nakarating siya sa US as a housekeeper hanggang na-promote sa pagiging state manager. Hindi niya pinangalanan ang mga big time sa US na kumukuha sa kanya bilang state manager, pero mga bilyonaryo raw at proud siya sa narating niya ngayon.
“As a former OFW, I know how challenging it is to work hard for our families and dream of a better future. Connie’s Skincare Essentials is more than just a skincare business to me. It represents my journey, my sacrifices, and my desire to create something meaningful. My dream is to inspire fellow Filipinos, especially OFWs and aspiring entrepreneurs, to believe that they too can build something of their own.
“I want this brand to remind everyone that beauty begins with confidence, and success begins with courage, determination, and faith in your dreams. Together, let us grow, inspire, and create more opportunities for a brighter future,” masayang pahayag pa ni Ms. Connie.
