ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KAABANG-ABANG ang new movie ni Mark Dionisio sa VMX. Pinamagatang “Labas Pasok”, tiyak na magpapa-init na naman ito sa mga suki ng VMX app na mahihilig sa pampagana.
Actually, aminado si Mark na naughty ang title ng kanilang bagong pelikula.
“Yes po, medyo naughty and catchy hehehe,” nakangiting pakli niya.
Bakit Labas Pasok ang title?
Tugon niya, “Kasi po maraming Labas Pasok na magaganap sa movie hahaha! Basta po ayaw ko muna ma-spoil ‘yung story, pero dahil po ito sa paulit ulit na labas pasok, hahaha!”
Nabanggit din ng aktor ang kanyang role rito.
Aniya, “Ginampanan ko po ang role ni Peter. Isang mayaman na asawa ni Stephie na si Jenn Rosa naman po ang gumanap.”
Gaano siya ka-daring dito at anong pampainit ang aabangan sa kanilang pelikula? “As usual po, lagi naman tayong daring sa mga love scenes. Lalo na kapag game at daring din ‘yung mga leading ladies.”
Bukod kina Mark at Jenn, kasama rin sa pelikula sina Ghion Espinosa at Lea Bernabe, directed by Bobby Bonifacio, Jr., available na ito sa streaming sa Nov. 13.
Ano ang kanyang masasabi sa co-stars niya sa Labas Pasok?
“First time ko maka-work sina Jenn Rosa and Lea Bernabe. Si Ghion naman naka-work ko na before. Masaya and professional po sila katrabaho.
“Naging maganda po ang working relationship namin dahil si Lea medyo close ko po talaga, tapos during and after our workshops and reading ay nagkaroon kami lahat ng bonding kasama ang aming director na si Bobby Bonifacio, kaya sobrang gaan lang po and masaya po kami sa set noong shooting.”
Bakit dapat panoorin ang Labas Pasok?
“Dapat abangan ang Labas-Pasok dahil iba ang kuwento nito sa usual na napapanood natin sa VMX. Sexy-thriller siya na may comedy. At siyempre po matindi at maiinit ang mga eksena rito, kaya siguradong mag-e-enjoy sa Labas Pasok ang mga manonood.”
