Tambalang Jeo at Gehlee bagyo sa Bahay ni Kuya

JeoLee Jeo Ong Gehlee Dangca

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens mula Pilipinas hanggang mga kababayan nating OFW abroad ang kinikilig at sumusuporta sa  tambalang JeoLee nina 

Social Media Superstar Jeo Ong at KPop Princess at dating miyembro ng UNIS na si Gehlee Dangca.

Sa social media mandalas ang video ng dalawa ang makikita at base sa mga komento ay marami ang talaga namang kinikilig at umaasang maging sa paglabas ng mga ito sa Bahay ni Kuya ay sila pa rin ang magiging magkapareha.

Ilan sa komento ng ating mga kababayan patungkol sa hottest loveteam sa loob ng bahay ni Kuya (PBB 3.0 Collab) ang mga sumusuod:

“Malaki ang potential ng #JeoLee ha. From what I heard, may mga sponsors na ang nag-i-inquire.”

“Grabe po hatak nila ngayon, pati mga OFW sa ibang bansa kilig na kilig sa kanila kaya sana ayusin niyo ang edit sa dalawa. Wala rin sana kontrabida, please lang, pabayaan niyo ‘yung 2. Malay niyo sa sobrang successful sa PH Arena na ‘yan.”

“I’ve read it somewhere na the reason daw na tinanong ni Jeo kung ano English ng ‘usa’ is because gusto lang niyang matawag na ‘dear’.”

“ May something talaga how Jeo talks to Gehlee.”

“Ang happy niya talaga pag ka-interact si Gehlee. Ba’t kaya, ang genuine ng reaction niya. Awwww.”