Titulada advocacy film para sa mga kababaihan

Titulada

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGSIMULA nang gumiling ang camera ng pelikulang Titulada. Isang advocacy film na naglalayong ipaglaban ang isang adbokasiya, isang paninindigan, at ang karapatan ng bawat indibidwal na kababaihan— nagbibigay ng matatag at makahulugang tinig sa mga taong nararapat na marinig at mapakinggan.

Isasalaysay sa pelikula ang kahanga-hanga at madamdaming kuwento ng mga kababaihang nagmula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay. 

Tampok dito ang kanilang mga pinagdaanang pagsubok, katatagan, at walang-patid na determinasyon sa pagharap sa pinakamahihirap na hamon ng buhay hanggang sa marating nila ang rurok ng tagumpay.

Isa itong pagpupugay sa lakas at kapangyarihan ng kababaihan — isang makabuluhang salaysay na nagbibigay-diin sa tunay na women empowerment, na  ang mga kahanga-hangang babaeng ito ang may ganap na kontrol sa kanilang sariling kapalaran at nagsisilbing inspirasyon sa pagbabago ng kanilang buhay.

Tampok sa pelikula sina Yvonne Lexie Valencerina, Dr. Casey Magne Dumlao, Angela Villanueva, Scarlet Chua, Atty. Clarie May Tamondong, Charina Carmen, Jenny Ortega, at Dr. Faye Tangonan.

Ang mga miyembro ng cast ay nagmula sa iba’t ibang larangan ng kanilang propesyon at matagumpay na nakamit ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay, partikular na sa larangan ng pageantry at iba pang industriya.

Ang pambihira at makabuluhang pelikulang ito ay hatid ng awards guru na si Richard Hiñola at ididirehe ni Kent Martin Dy.

Makakasama rin sa pelikula sina Keanna Reeves, Dexter Doria, John Dj Janna Chu Chu Fontanilla, Oliver Kretz, DJ Dorano, Ivy Lucas, Darelle Tiu, Kayla, Ayesha, Julia Hailey, Irish Riley, Krystel, Stefanie Mora, Rhenz Dalton, Marcus, Rhenz Cyton, Evangeline Pascual, Raymond Villanueva, Cecille Bravo, Ara mina, Patricia Javier, Toni Co,  Luther John atbp..