Anne makikipagrakrakan sa Cup of Joe 

Anne Curtis Cup of Joe

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAKAKASAMA si Anne Curtis sa Symphony concert ng Cup of Joe sa Araneta Coliseum ngayong December 3 and 4 na inanunsiyo ng Viva Live nitong nakaraang mga araw.

Alam naman ninyong naging concert artist na si Anne kahit hindi talagang pang-concert ang boses, huh!

‘Yun nga lang, aabangan ng Joebuds sa gusto siyang mapanood kung anong araw ang partisipasyon ni Anne. Wala pa kasing inilabas ang Viva sa araw na makikipagsabayan ni Anne sa COJ.

Bahagi rin ng concert sina Paolo at Miguel ng Ben & Ben. Wala ring sinabi kung kailang mapapanood ang dalawang Ben & Ben boys.