MA at PA
ni Rommel Placente
SA pagbisita ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Pinoy Big Brother Collab 3.0, ang ibinigay ng task sa kanila ni Kuya ay kausapin ang mga housemate hinggil sa kanilang married life.
Isa sa mga natanong kay Marian ay kung ano ang nais niyang maalala palagi sa pagmamahalan at pagsasama nila ni Dong.
Sagot ni Marian,“Ang araw para sa akin na gusto kong maalala is ‘yung araw ng kasal namin ni Dong. Kasi dream ko talaga magkaroon ng isang pamilya.
“Siyempre hindi ninyo pa ako kilala, galing kasi ako sa isang broken family. Lumaki akong walang magulang sa tabi ko.
“So, sabi ko ‘yun ang pangarap ko, na magkaroon ako ng isang buong pamilya na may anak. ‘Yun ang gusto kong ma-remember.
“Kasi dahil sa kanya (Dingdong) nabuo ang pangarap ko kasi may dalawang anak na kami. So ‘yun ang gusto ko na palaging maalala,” aniya pa.
Para kay Dingdong, ang nais naman niyang malimutan ng kanyang dalawang mga anak ay ‘yung mga araw na wala siya sa mahahalagang okasyon ng mga ito.
“Kasi ‘yung kids namin they are so into many activities, mayroon silang singing recital, sports events, etcetera.
“The day I want to forget, siguro it’s not me forgetting, but parang I want them to forget that day, na sana hindi na nag-exist ang day na ‘yon.
“Kasi ang daming moments na dahil busy ako sa work. Sa aming dalawa kasi, ako ang busy this year. So hindi ako maka-attend, wala ako sa special moments nila sa school, in their activities.
“And I know that parang gusto nila na nandoon kami pareho. So I want to forget those moments and hopefully hindi nila maalala ‘yon at maalala nila ‘yung greater reason why wala ako roon. ‘Ah wala siya roon because he’s working for us, for our family,’” pagbabahagi pa ng aktor.
