MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKA-ENGRANDE ng selebrasyon ng 21st birthday ni Matthew Bravo, bunsong anak ng negosyante, beauty queen, at philanthropist, Cecille Bravo noong October 28 sa Versailles Palace (Las Pin̈as) na may theme na Theater/Musical.
Kaya naman mula kay Matthew na naka-Phantom Of The Opera costume ganoon din ang mga bisitang dumalo mula sa sikat na musical play na Hercules, The Greatest Showman, Grease, Mama Mia, Les Miserables, Miss Saigon at iba pa.
Nagbukas ang bonggang selebrasyon sa isang Phantom of the Opera production number ni Matthew kasama ang Bravos Angels at Showboys.
Dumalo ang halos lahat ng mga taong malalapit sa buhay ni Matthew mula sa kanyang nagmamahal at very supportive mother na si Tita Cecille hanggang sa mga kapatid nitong sina Anthony, Maricel, Maricris, Jeru, at Miguel, at lolang si Mamita Hazel Tria , Tita Lita Amante, Tita Marita Banaban, Tito Joel Tria and family at Christian Tria.
Present din sa 21st birthday ni Matthew at nagbigay ng awitin mula sa mga sikat na musical play sina Ima Castro, Poppert Bernadas, Jopper Ril, John Nite, Sephy Francisco, at Janah Zaplan.
Nakita rin namin sa party sina Patricia Javier, DJ Janna Chu Chu, Benjie Montenegro, Xiantel Montenegro, Raoul Barbosa, Klinton Start, Jeffrey Dizon, Raymund Saul, Nino Angeles, Jovan Dela Cruz, Faith da Silva, Jay and Jun Ril, Dence, at Boyet Zaplan. Dumalo rin ang mga taga-Siena College Batch 84,Theng Corbe, Atty. Chtistian Corbe; Intele Family, mga kaibigan pa ni Matthew at marami pang iba.
Ilan naman sa nagwagi sa Best Costume sina Raymund Saul, Nin̈o Angeles, Jeffrey Dizon atbp..
Nagtapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Matthew sa isang mensahe nito ng pasasalamat sa lahat ng dumalo.
