SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
DIRETSAHANG inamin ni Kris Aquino na gusto niyang pasukin ang politika. Subalit hindi nga niya ito maisasakatuparan dahil alam naman natin na may sakit siya.
Sa guesting ng Queen of All Media noong October 28 sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsong sinagot ni Kris nang matanong ni Boy Abunda kung may plano siyang pasukin ang mundo ng politika, “YES, but I’m not healthy.”
Isa ang pagpasok sa politika sa maraming topic na pinag-usapan nina Kuya Boy at Kris.
Anang TV host-actress, gusto niyang magsilbi sa sambayanang Filipino kung umayos ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
“My dad had always… parang ‘yun ‘yung akala ng dad ko na para sa akin, but we need a miracle,” ani Kris na sa totoo lang pwedeng-pwede naman talaga siya sa politika.
At kung sakaling papasukin niya ang public service o ia-appoint siya sinabi nitong niyang magsilbi sa Department of Health (DOH).
“Kasi sa experience ko, Boy. And alam nilang hindi ako magnanakaw. And ‘yung mapababa lang ang cost ng gamot ang laking bagay na.
“And maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already so affordable.
“More than just PhilHealth sana mayroon talagang for the younger generation, because we’re such a young country, na sana umpisahan with correct nutrition para the parents will send the kids to school kasi may libreng lunch, tapos may pa-gatas, and you’ll get smarter kids if they really get the right nutrition,” paliwanag pa ni Kris.
Nabanggit din ni Kuya Boy ang pagsisisi na hindi niya tinanggap ang alok na paglilingkod sa administrasyon ni dating Pangulong P-Noy.
“May sagot ako riyan. In hindsight, if only I said yes also to Noy when they were thinking of putting me somewhere in the Department of Tourism…In the future, if I were offered to serve the country, not in an elective post, but in an appointed post like the DOT, ikaw DOH, nangarap lang naman ‘yung dalawa, gagawin ko talaga, Krissy,” anang King of Talk.
“I feel kasi Boy talaga na dapat ang mga na-a-appoint, ‘yung alam ng taong may naitabing pera na.
“Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon, but I would think, we deserve honest public servants,” susog pa ni Kris.
