Rags Bell, kampeon sa PCSO Juvenile Stakes

Rags Bell, kampeon sa PCSO Juvenile Stakes

WALANG kahirap-hirap na rumatsada sa kampeonato ang batang kabayong si Rags Bell matapos dominahin ang 2026 PCSO 2-Year-Old Juvenile Colts and Fillies Stakes Race noong Oktubre 25, sa 25th Klub Don Juan De Manila (KBJDM) Racing Festival sa pista ng Philippine Jockey Club (PJC) sa Padre Garcia, Batangas.

Bitbit ang bilis at lakas, walang pinalampas na pagkakataon ang 2-year-old bay colt upang sungkitin ang panalo sa Race 1 na may kabuuang papremyong ₱500,000.

Lalong pinainit ni Rags Bell ang karera matapos patunayang kaya nitong makipagsabayan sa mga kapwa batang kabayo sa nasabing stakes race.

Kabilang sa Bell Racing Stable ang bagong kampeon na anak nina Union Rays at Patti D. Si Donato S. Sordan ang trainer nito habang si J.B. Hernandez ang humawak sa renda bilang hinete.

Sa murang edad, ipinamalas ni Rags Bell ang potensiyal na maging isa sa mga susubaybayang batang kabayo sa mga susunod pang stakes race. (HNT)