Mahigit 20,000 tiket naibenta sa Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate sa Philippine Arena  

Alex Eala Live

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HIGIT KUMULANG sa 20,000 na ang naibentang tickets para sa Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate, kaya’t tinatayang magiging pinakamalaking one-day tennis event ito sa kasaysayan ng Pilipinas. 

Hindi maikakaila na lalong tumitindi ang pananabik ng mga Pinoy sa napipintong pagbabalik ng tennis star sa Pilipinas na makatutunggali si Janice Tjen ng Indonesia sa Philippine Arena sa Disyembre 8, 2026. Ang laban ng dalawa ay sinasabing tunggalian ng mga pinakamagagaling na babaeng atleta sa tennis sa Asya. 

Nagpapasalamat si Alex sa mga bumili ng ticket at sa mga bibili pa para sa kanilang suporta. At nagagalak din ang Pinay tennis star na makapiling ang kanyang mga kababayan. 

Ani Alex, “It’s amazing to know that so many fans have already bought tickets to come and watch us play. Thank you to everyone back home for the incredible support. I can’t wait to walk out at the Philippine Arena, hear the roar of the crowd and take on Janice on December 8.” 

Ayon sa organizers, record-breaking ang bilang ng mga ticket na naibenta para sa isang tennis match sa Pilipinas. Lubos ang kanilang kagalakan na mas maraming Filipino ang makasasaksi ng de-kalibreng sporting event. 

“We are delighted with the response from fans and want to thank them for their support. The speed and strength of ticket sales show just how much appetite there is to see Alex play at

home. This is not simply about bringing two exceptional young tennis players to the Philippine Arena. It is about giving Filipino families, young players and a new generation of fans the opportunity to experience world-class tennis up close, and to see what is possible when one of our own competes at the highest level,” ani Irene Francisco, Managing Director ng Tatler Philippines. 

Layunin ng organizers na magbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon at palaganapin ang tennis sa Pilipinas. Dahil higit kumulang sa 20,000 tickets na ang naibenta, lumalakas ang loob ng organizers. 

“The response so far has been hugely encouraging,” ani Michel Lamunière, Chairman at CEO ng Tatler Group. 

“We always believed there was an appetite to see Alex play at home, but seeing more than 20,000 people already secure their place tells us that this event means something to Filipino tennis fans,” dagdag pa. 

Nais din nilang mapuno ang 50,000-capacity na Philippine Arena. Nais nilang mapasaya ang mga Filipino at makapag-ambag sa pag-unlad ng sport. 

Ani Mr Lamunière, “The real opportunity is to bring as many Filipinos as possible into the arena, celebrate the power of tennis together and give young players something to aspire to.” 

Na-conceptualize ang Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate bilang isang buong araw na hitik na hitik sa tennis. Ang labanang Alex Eala kontra Janice Tjen ang main feature. 

Magsisimula ang araw sa laban ng Hot Stars na binubuo ng mga national junior players at papausbong na pros ng Philippine Tennis Association. Sa ganitong paraan, makapaglalaro ang Hot Stars sa arena court at sa harap ng audience nina Alex at Janice. 

Kasunod ng Hot Stars ang Celebrity Match. 

Ang headline match nina Alex at Janice ay magkakaroon ng tatlong sets at ang mananalo ay ibabase sa kung sino ang pinakamaraming panalo sa loob ng tatlong sets. Ang mga patakaran, kabilang ang tungkol sa Overtime at Super Shootout, ay ibabahagi sa accredited media at sa ticket holders bago maganap ang Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate.

Ang presyo ng tickets ay nagsisimula sa halagang Php 600. Sold-out na ang Gold at limitado na ang availability ng Platinum at Diamond. Available pa rin ang Silver, Bronze, at Accessible Seating. 

Magbubukas ang gate ng 10;30 a.m. samantalang 12 noon ang magbubukas ang arena bowl. Magkakaroon ng pre-show entertainment, 1:15 p.m., at sasabak na ang Hot Stars, Phil juniors, at rising professions, 1:30 p.m., at 2:10 p.m. naman ang Celebrity Match. Ang main feature o ang player walk ons nina Alex at Janice ay magaganap ng 3:00 p.m., Ang Set 1 ng kanilang laban ay mag-uumpisa ng 3:10 p.m. 3:45 p.m. Set break and entertainment; 3:50 p.m.. SET 2, Alex vs Janice;

3:25 p.m. Set break and entertainment; 4:30 p.m. SET 3, Alex Eala Janice; 5:00 p.m. ang Trophy presentation at address ni Alex; 5:30 p.m. ang Closing at staged egress.