Jericho waging Best Actor; Im Perfect Movie of the Year

Jericho Rosales quezon im perfect

MA at PA
ni Rommel Placente

Si Jericho Rosales naman ang nagwagi bilang Movie Actor of the Year para sa pelikulang Quezon. Sayang nga lang at wala siya dahil nasa ibang bansa.

Itinanghal namang Movie Supporting Actress of the Year si Sylvia Sanchez para sa I’m Perfect na produce ng kanilang Nathan Studios.

Sobra-sobra ang kaligayahan ni Ibyang (tawag kay Sylvia) dahil bukod sa award na natanggap, pinarangalan din bilang Movie of the Year ang nasabing pelikula.

Bukod dito, ang bidang babae rito na si Krystel Go ang nag- uwi ng New Movie Actres, samantalang si JM Ibarra naman ang nanalo bilang New Movie Actor of the Year. Ang loveteam nila ni Fyang Smith ang nagwagi bilang Movie Loveteam of the Year.

Wagi rin si Richard Quan bilang Movie Supporting Actor of The Year para sa How Go Get Away from.my Toxic Family? At ang direktor ng Delivery Rider na si Lester Ong ang itinanghal na Movie Director of the Year.