David Licauco Ashtine Olviga JF

MAY bagong loveteam na talaga namang kaabang-abang, ‘yan ang tambalan nina Kapuso actor David Licauco at Viva Artist na si Ashtine Olviga.

Sina Ashtine at David nga ang bagong loveteam na bibida sa Philippine adaptation ng sikat na 2017 Korean series na Fight For My Way na pinagbidahan nina Park Seo-joon, Kim Ji-Won, Ahn Jae-Hong, at Song Ha-Yoon.

At sa Philippine adaptation, bibida nga sina Ashtine at David kasama sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan.

Sa pagtatambal nina Ashtine at David samo’tsari ang naging reaksiyon ng netizens at ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

“Bagay sa kanila ang Fight for my way.”

“Looks promising.”

“Find their tandem cute.”

“Excited for their collab! more blessings.”

“Kahit sino ipares kay Ash. Madami pa rin nood dyan. Si Ash yan eh.”

“If Ashtine is part of this project gonna support whoever Ashtine is paired with.”

“Si Ash lang ang sakalam na next na ibini-build up ng Viva in the mold of Sarah G.”