ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga rating para sa anim na pelikulang ipalalabas ngayong linggo, kabilang na ang isang pelikula na pinagbibidahan nina Joshua Garcia and Julia Barretto.
Sabi ni MTRCB CEO at Chair Lala Sotto, maraming mapagpipilian ang mga manonood, lalo na at Parental Guidance (PG), R-13 and R-16 ang ibinigay nilang rating sa mga sineng ito.
“Tandaan natin na mahalagang tiyakin na ang rating ng pelikula na gustong panoorin ay angkop sa edad at antas ng pag-intindi ng ating mga anak. Ito ay para mas magabayan natin sila nang maayos sa kanilang panonood,” sabi niya.
“Masaya rin kami na ipalalabas ang isang gawang-Pinoy na sine ngayong linggo. Inaanyayahan namin ang ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin at suportahan ang pelikulang Filipino,” dagdag ni Sotto.
Ang “Always Yours, Never Mine” ay romantic drama na rated PG at tampok sina Garcia at Barreto. Ito ay may mga temang nangangailangan ng patnubay ng magulang para sa mga manonood na mas bata sa edad 13 taong gulang.
Nakatanggap ng PG rating ang “Chiikawa the Movie: The Secret of the Mermaid Island,” isang Japanese anime movie na tampok ang boses ni Haruka Aoki. Ekslusibo itong ipalalabas sa SM Cinemas. Ito ay may mga paksa ng pagkakaibigan, katapangan, kasakiman, tukso, at ang kahihinatnan ng pagtanggap ng mga kaaya-ayang alok nang hindi pinag-iisipan ang maaaring panganib mula rito.
“The characters’ adventurous behavior, including accepting an enticing invitation and traveling to a mysterious location, could be imitated by younger children. However, the film ultimately presents the dangers associated with blindly trusting attractive offers and encourages friendship, caution and cooperation,” sabi ng MTRCB.
Ang “Digger,” isang black comedy na pinagbibidahan nina Tom Cruise, Sophie Wilde, Jesse Plemons and Riz Ahmed, ay rated R-13 dahil sa “mature themes of dystopian society, moderate swear words and menacing language.”
Ang “Verity,” isang psychological thriller na tampok sina Anne Hathaway, Dakota Johnson, Josh Hartnett, Ismael Cruz Cordova, at Brady Wagner, ay may R-16 na rating.
Ito ay angkop sa mga mature teenage and adult audience. Mayroon itong “sustained psychological tension, disturbing scenes of violence, mature sexual content and emotionally intense themes involving obsession, manipulation, trauma, and family tragedy.”
Mayroon din itong “strong psychological violence, disturbing thematic material, mature romance, mature sexual situations, coarse language and emotionally disturbing subject matter” na hindi puwede sa mga bata.
Ang psychological crime thriller na “Primetime” ay rated R-16 at mapapanood sa SM Cinemas. Bida rito sina Robert Pattinson, Merritt Wever, Skyler Gisondo, Phoebe Bridgers, Matthew Maher, at Bokeem Woodbine.
Si Pattinson ay gumanap bilang si Chris Hansen, isang mamamahayag at host ng NBC show na “To Catch a Predator”. Tinatalakay ng sineng ito ang “television journalism, fame, exploitation and the ethical consequences of pursuing ratings and recognition through confrontational investigations involving suspected sexual predators.”
Mayroon din eksena ng “sexually explicit behavior and inappropriate encounter” sa pelikulang ito, bagama’t ito ay sa konteksto ng mga TV investigation at hindi sexual entertainment.
“The film depicts confrontational investigative tactics, deception, and the pursuit of suspected criminals for television. Impressionable viewers should understand that these methods should not be imitated and that investigations involving criminal or sexual matters should be left to trained authorities. The film includes self-harm and suicidal behavior,” dagdag ng MTRCB.
Ang 2023 Japanese horror-suspense film na “My Mother’s Eyes” ay binigyan ng R-16 rating at eksklusibong ipalalabas sa Megaworld Cinemas. Bida rito sina Hisashi, Kosuke Hoshi at Takuma Izumi, na gumanap bilang mag-ina na nasangkot sa isang traffic accident.
Bagama’t tinatalakay nito ang family dynamics, sacrifice, at ang complex relationship ng mga ina at kanilang mga anak na babae, tungkol din ito sa sikolohikal na epekto ng kapansanan at ang ethics ng paggamit ng makabagong medical technology.
“The experimental medical technology and its consequences present ethical dilemmas that viewers might find thought-provoking but potentially disturbing. The film also touches on themes of depression and suicidal thoughts, which require mature understanding,” paliwanag ng Ahensiya.
Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood. Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantala, ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang. (30)
