Sa 28-30 Setyembre
MANIBELA, PISTON PINAMUNUAN TIGIL-PASADA

092826 Hataw Frontpage
092826 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SINIMULAN ngayong Lunes ang tigil-pasada ng MANIBELA at ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kahit inianunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad

ang taas-pisong singil sa pasahe sa jeep.

Tinawag ng PISTON na insulto ang pisong taas-pasahe para sa mga tradisyonal na jeepney na P3,000 ang nagagastos araw-araw para sa diesel.

Inihayag ng grupo, anim na buwan silang naghintay hinggil sa taas-pasahe pero piso lang ang inaprobahang dagdag.

Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena na hindi sila titigil sa pagkalampag sa gobyerno hanggang hindi nakokompleto ang hirit nilang dalawang pisong taas-pasahe.

Sa kabila nito, tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pananatilihin ang kapayapaan, kaayusan, para sa kaligtasan ng publiko, at pagbibigay ng tulong sa mga commuter na maaaring maapektohan ng transport strike.

Ayon kay NCRPO chief, PBGen. Christopher Abrahano, inatasan niya ang lahat ng police districts at police stations na makipag-ugnayan sa local government units, transport authorities, at iba pang katuwang na ahensiya upang matiyak na nakahanda ang mga hakbang para sa seguridad at pagtulong sa publiko, partikular sa mga lugar na inaasahang daragsain ng mga pasahero at maaaring makaranas ng pagkaantala o kakulangan sa pampublikong transportasyon.

Sinabi ni Abrahano, iginagalang nila ang karapatan ng mga transport group na mapayapang ipahayag ang kanilang mga hinaing, ngunit nanawagan siya sa lahat ng lalahok sa transport strike na panatilihin itong maayos at mapayapa.