NAKAPIIT pa rinsi dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, kahit may panawagan mula sa ibang bansa na umaklas sa tribunal.
Sinabi kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, ang pag-aklas ng ilang bansa o panawagan ng mga lider tulad ni US President Donald Trump ay hindi awtomatikong mag-aalis o magdi-dismiss sa mga kaso ng crimes against humanity laban kay Duterte.
Nanawagan si Trump sa mga bansang kasapi ng ICC na mag-aklas laban dito.
Matatandaan na nagkaisa sa desisyon ang mga hukom ng Trial Chamber III ng ICC na panatilihing nakadetine si Duterte.
Nakita ng publiko si Duterte sa unang pagkakataon noong 16 Setyembre mula nang madetine siya sa ICC noong 2025, matapos dumalo sa status conference ng kaniyang kaso.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis laban kay Duterte sa darating na 30 Nobyembre.
Si Duterte ay nahaharap sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng mga nangyaring patayan sa kaniyang war on drugs campaign noong nakaupo siyang pangulo ng bansa, at bilang alkalde ng Davao City.
