HARD TALK
ni Pilar Mateo
IKATLONG taon na ng Cine Panalo Film Festival. Na naghahain ng sari-saring mga pelikula sa sari-sari ring mga kategorya.
Ang nagsisilbing Festival Director at may pakanang lahat ng galaw nito ay isang taong ang pinaka-misyon ay makatulong sa mas marami pang filmmakers na nagnanais na maghatag ng kanilang mga kwento.
Umingay ang festival na pinamumunuan ni Chris Cahilig.
Every step of the way na may mga sinok at talisod silang nae-encounter since it’s inception ay agad nilang nailalagay sa ayos.
Kinasihan din ng magandang biyaya si Chris dahil sa naging katuwang nito ang Puregold ni Vincent Co.
Kaya rin nagiging masaya ang Cine Panalo Festival ay dahil sa mga ipinamamahaging grocery bags ni Puregold na may sari-saring produkto mula sa tindahan ni Aling Puring.
At ang maganda rin, ang suporta ni Puregold ay nasa bawat pelikula. Hindi pilit ang paglalagay ng mga sabon, de lata, nginangatang biskwit o tsokolate at marami pang talaga naman nagtutunghayan at ginagamit natin sa pang-araw-araw na buhay.
Isip ng isang nasa advertising. Busog sa mga idea. At ‘yun ang nangyari.
Pitong pelikula. 19 student shorts. Sabi nga ni Sir Chris, sa pagkakataong ito walang itulak kabigin ang jury sa kanilang mga natunghayan. Talagang mahihirapan. All original stories.
Napakalaki nga ng crowd na dumaragsa aa Gateway Mall 2 Cinemas na talagang naghahabol dahil mabilis ma-sold out ang mga screening.
Among the films drawing packed houses are coming-of-age story, Apol of My Ai,supernatural queer films Patay Gutom and Multwoh (Patay na Patay sa ’Yo), and romantic comedy Stuck on You, which puts a deadly twist on the genre.
According to Festival Director Chris,
“For this year, Pinoy cinema has been the subject of much debate and discourse.
“However, the success of our first day of screenings makes things incredibly clear: there remains a strong appetite for Filipino stories told by Filipino voices.”
Ang maganda, hindi mangangarag ang manonood sa schedule ng screenings. Dahil naayos na agad ang pagsasama-sama ng mga palabas per day. At kahit pa nga hanggang October 4, 2026 ang festival, halos ubos na ang mga tiket for the screenings.
Mahal ng team ni Sir Chris at ng Puregold ang mga manonood. Binubusog ang bawat araw sa giveaways-grocery bags, custom totes, pins, sari-saring souvenirs, Immuni Vitamin-C.
“Ang Puregold CinePanalo ang aming treat to both artists and fans of cinema.
“Habang ipinagpapatuloy natin to uplift the stories of local filmmakers, we also strive to create memorable experiences for those who come to support these films.”
Ang Puregold CinePanalo Film Festival ay tatakbo pa hanggang ik-apat ng Oktubre sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay and Market! Market!
At ang halaga ng regular tickets ay ₱250, ₱200 for PWDs, senior citizens, students, national athletes, and Aling Puring and Puregold Perks cardholders ang discounted tickets.
May ₱2,000 festival pass na available sa Gateway Cineplex 18 at TriNoma at magagamit sa lahat ng participating festival venues.
Tapatan ng mga beterano at mga baguhan ang matutunghayan sa mga pelikula.
Kaya nakae-excite panoorin. Kung ngayon pa lang, hirap na ang jury sa kanilang mapipisil na pinaka-mahuhusay sa Setyembre 30, 2026, ang manonood naman ay nasa roller coaster rides kung saan tatawa, kikiligin, iiyak, mapapaisip sa engkwentrong minsan sa buhay nila eh naranasan na rin.
#PanalosaHusay #SiningaySandata
Marami ang natutuwa. Sabi nga ng ilan, sana rin daw ang ibang festivals ay maging ‘sing saya ng CinePanalo. Lalo na ang mga mismong may-ari ng pinagtatanghalan ng mga pelikula!
Chris Cahilig is the Darling of the Crowd. Of theater fans. And ‘am sure ng press!
