Taiwan trip ni Bea makabuluhan

Bea Binene

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-ENJOY nang husto si Bea Binene sa kanyang bakasyon sa Formosan Aboriginal Cultural Village sa Taiwan.

Nag-post ito ng mga larawan sa kanyang Instagram na kuha sa Formosan Aboriginal Cultural Village.

Masaya si Bea sa kanyang trip dahil sa mga magagandang tanawin sa mga lugar na napuntahan. Marami rin siyang natututunan tungkol sa mga katutubo at kultura ng Taiwan.

Ayon sa aktres, “Ang dahilan kung bakit gusto ko ang Formosan Aboriginal Cultural Village ay dahil maaari kang magsaya at matuto ng sabay. 

“Matututo ka tungkol sa mga katutubo at kultura ng Taiwan, tulad ng pagsusuot ng tradisyonal na kasuotan o paggawa ng sariling bersiyon ng mochi, habang nae-enjoy din ang rides at laro sa amusement park!” 

Ang pangingibang bansa ang isa sa mga paboritong gawin ni Bea, ito rin ang paraan niya para makapag-recharge sa dami ng trabahong ginagawa.

Malapit nang ipalabas ang pinagbibidahan nitong pelikula ang PEEMAK na Philippine adaptation ng Thai blockbuster film na mapapanood sa Oct. 14 sa mga sinehan nationwide, hatid ng Viva Films.