Mark Anthony Fernandez Yda Manzano Margaret Diaz

I-FLEX
ni Jun Nardo

MABENTA pa rin si Mark Anthony Fernandez bilang leading man sa VMX.

Eh magaling din kasing umarte kaya hindi nawawalan ng pelikula sa Viva.

Heto main lead si Mark sa VMX movie na Isla. Pang-ilang version na ito na unang ginawa ni Maria Isabel Lopez.

Eh hindi naman mapili pa si Mark basta maayos ang role. Sa Isla, isa si Margaret Diaz na kakalantariin niya.

Sa mediacon ng movie, naging open ang dating sexy star na si Yda Manzano tungkol sa  na naging buhay niya sa partner na isang foreigner.

Sunod daw ang luho niya at may condo at sasakyan, May masamang bisyo nga lang at ayaw niya magaya siya rito kaya hiniwalayan niya.