Randy muling sumailalim sa operasyon ng katarata

Randy Santiago

MA at PA
ni Rommel Placente


MULING sumailalim si Randy Santiago sa panibagong operasyon para sa kanyang katarata.

Ibinandera mismo ng singer ang kanyang latest health update sa social media, kasama ang mga larawan bago at matapos ang procedure.

“After a year since my first cataract surgery on my left eye, I had my right eye done this time,” sey niya.

Ayon pa kay Randy, naging maayos at mabilis ang isinagawang operasyon, kaya naman agad din niyang pinasalamatan ang mga doktor at medical team na nag-asikaso sa kanya.