Rayver over protective sa pictorial ni Julie Anne

Rayver Cruz Julie Anne San Jose

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Rayver Cruz na naging super protective boyfriend siya nang mag-pictorial ang girlfriend na si Julie Anne San Jose para sa kalendaryo ng isang liquor brand.

“Hindi ako seloso. Pero noong nag-pictorial siya, hindi ko mapigilan. Maya’t maya tsini-check ko. Nag-calendar siya,” sabi ni Rayver. 

Sey pa ng aktor, sanay na naman siyang nagiging calendar girl noon ang kanyang mga naging ex-dyowa.

“Roon ako natatawa. Kasi sanay naman ako. Okay lang naman na sabihin. ‘Yung mga ex ko naman talaga…may mga ganoon silang eksena. May mga magazine cover sila.

“Pero, noong kay Julie kasi, parang hindi ako sanay na parang, kinukulit ko ‘yung handler, si Ate Dianne (Bernardo) ‘yung handler niya. ‘Ate Dianne, kamusta ‘yung pictorial? Tingin naman ‘yung mga picture,’” natatawang sey pa ng binata.