HILIG na talaga ni Ice Seguerra ang musika bago pa man nakilala bilang magaling na singer at tumutugtog ng gitara. Ngayon nagbabalik si Ice sa mga awitin at istorya na naging dahilan para kahiligan niya ang pagkanta, ito ay sa Ice Sings! An Intimate Concert Series — Part I: Broadway & Disney, sa November 6 at 7, 2026, sa Music Museum.
“My mom introduced me to musicals when I was very young. Lumaki ako watching ‘The Sound of Music’ at ‘West Side Story,’” pagbabalik-tanaw ni Ice. “I was taking voice lessons at the UP College of Music when I was seven. I sang ‘Part of Your World’ from ‘The Little Mermaid’ at my recital. Pang-Disney Princess ang song choice ko noon!” he adds with a laugh.natatawang kuwento pa nito.
At ang unang stage direction niya ay ang Little Shop of Horrors sa Repertory Philippines. Sumunod ang The Wiz, na sa Repertory Philippines pa rin na gumanap siya bilang si Dorothy.
Habang nadaragdagan ang edad, nagpe-perform pa rin si Ice sa teatro, umapir sa mga production ng The Rocky Horror Show, Avenue Q, at Rock of Ages.
Para kay Ice, ang musical theatre ang nagpapakita ng mga talento niya sa pag-arte at pagkanta.
“I started as a performer, and music became such an important part of my life. But musical theatre has always been special to me because I get to do both,” aniya. “Hindi lang siya tungkol sa pagkanta. You have to know what the character wants, what the song means, and why that moment matters.”
Nananatili ang instinct na iyon sa puso ng Ice Sings! habang gumagawa ng career si Ice na ang mga kanta ay personal at nakare-relate ang audience.
Para sa unang live installment nito, bumaling siya sa mga kanta mula sa mga musikal sa Broadway at mga pelikulang Disney: musikang puno ng mga karakter na naghahanap ng pag-ibig, tapang, pagmamay-ari, at kalayaang maging sarili nila. Maaaring ito ay mga kantang alam na ng mga manonood, ngunit ang konsiyerto ay nag-aalok ng pagkakataong marinig ang mga ito sa pamamagitan ng sariling boses at pananaw ni Ice.
“These songs shaped me growing up—as a singer, an actor, and a person,” aniya. “I’m excited to sing them now as the person I’ve become.”
Hatid ng Fire & Ice LIVE ang Ice Sings! An Intimate Concert Series — Part I: Broadway & Disney na mapapanood sa November 6 at 7, 2026, 8:00 p.m., Music Museum.
Mabibili ang tiket sa TicketWorld: https://bit.ly/IceSingsAnIntimateConcert at sa Fire & Ice Ticket Office: [email protected] 0917 877 1758
