MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG ibinalita ni Sylvia Sanchez na bukod sa ginagawa nilang documentary ng pelikulang I’mPerfect na hatid ng Nathan Studios at idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo ay magkakaroon ng TV series ang mga bida ng pelikula.

Tsika ni Ms Sylvia, “I’mPerfect cast pa rin ang kasama sa series pero iba na ito, hindi na connected sa unang movie nila.” 

Dagdag pa nito, “Ang ganda ng title, pero ayoko pang ilabas.”

Ipalalabas ang serye sa 2027 either  sa mainstream TV o online streaming. Sa ngayon ay naghahanap pa si Ms Sylvia kung saang TV dtation ito ipalalabas.