SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
EMOSYONAL ang It’s Showtime host-dancer na si Jackie Gonzaga nang mabanggit ang ukol sa pagiging inspirasyon ng kanyang ina kaugnay ng paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong Calendar Girl.
Inilunsad kagabi, November 12, si Ate Girl Jackie bilang 2027 Ginebra San Miguel Calendar Girl na ginanap sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila.
Ayon kay Jackie mixed emotions ang naramdaman niya nang matanggap ang offer mula sa GSM na sabi nga niya ay “fantasy” at “dream come true.”
“Talaga? O sh*t! Parang hindi pa ako makapaniwala na, ‘Totoo ba? Ako? Ako talaga? Ako na ‘to? Ako na ang makikita ng mga tao sa kalendaryo sa January 1, na may babaeng naka-ganoon (at saka iminuwestrq ang pagiging calendard girl).
“Ako na ang bubungad sa 2027 calendar ng sambayanang kabarangays!
“Siyempre, ‘di ba, parang isang malaking portrait, ‘Ay, atake, panalo siya, nandoon siya sa kalendaryo.’ Parang o, January 1, sino ka riyan? Ganoon!” sabi pa ng seksing-seksing si Ate Gurl.
Anim ang layout ng GSM calendar ni Jackie na nagpapakita ng iba’t ibang flavor at lasa ng kanyang personalidad.
“Feeling ko, makikita n’yo rito ‘yung pagiging fierce. ‘Yung ang dami mong pinagdaanan —masaya, malungkot, masakit. Pero ‘yung 2027, ‘yung mukha mo, na para bang walang nangyari. ‘Sino siya, ang lakas ng dating,’ parang ganoon.
“‘Yun ang ipinakikita ko, na sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay mo, pwede kang bumangon kahit ano pa man ang pinanggalingan mo. Kaya heto ako ngayon, nasa 2027 calendar po ninyong lahat,” chika ng dalaga.
Hindi napigilan ni Ate Gurl na hindi maluha nang mabanggit ang ina na role model niya.
“Sorry po, naging emotional. Paminsan-minsan nakalulusot ‘yung emosyon na ibibigay ko talaga ‘yung tunay na nararamdaman. Hindi naman po ako mapagpanggap.
“Grabe kasi ‘yung emosyon na nararamdaman ko sa oras na ito…pasasalamat, kasiyahan, lungkot, halo-halo talaga,” sabi pa ng dalaga.
Nagpapasalamat si Jackie sa blessings na dumarating sa kanya. Ibinabahagi niya ang pagiging GSM 2027 Calendar Girl sa kanyang It’s Showtime family.
Aniya, “Sobrang grabe ‘yung support nila sa akin, not just sa blessing.
“Even ‘yung mga down moment ko, nandiyan sila. Isine-share ko itong blessing na ito, itong opportunity na ito, sa buong ‘Showtime’ family. This is our win!” giit pa ni Jackie.
“Manggugulat at manglalamon ako!” sabi pa.
