Vice Ganda may hamon sa mga kabataan: ipanalo ninyo ang mga lider na hindi kayo nananakawan

Vice Ganda

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNKABOGABLE ang naging performance ni Vice Ganda sa opening ng UAAP last September 12, Sabado, na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Host ang Far Eastern University ngayong season 2026-27 at alumnus ng FEU si Vice. Sila ni Gloc 9 ang performers noong opisyal na buksan ang UAAP.

Syempre pa, pasabog ang performance ni Vice sa naglabasang videos nito sa social media.

Pero mas pasabog ang hamon ni Vice Ganda sa mga Gen Z sa mensaheng ipinarating sa kanila.

Bahagi  ng mensahe ni Vice, “Kaya  nga Gen Z, I challenge you to fight, show up , and win no matter what.”

Dagdag pa niya, “Ipanalo ninyo ang mga lider na hindi kayo nananakawan.”

Para naman sa UAAP community at publiko, “Hamon ko sa inyo, ipanalo ninyo ang lipunang magbibigay sa inyo ng disenteng pamumuhay at kalayaang magtagumpay.

“At mangyayari lang ‘yan kapag naipanalo  ninyo ang mga lider na hindi kayo nanakawan at gagawin kayong bobo at ilulubog ang inyong dangal at pag-asa sa baha!”

Naku, malaking hamon ‘yan ni Vice Ganda sa lahat lalo na sa mga kabataang bumoboto na, huh!