I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG kapaguran at malakas pa rin ang energy ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano nang maging guest performer last Saturday sa live edition ng Vibe.
Nasa audience ang TV5 boss na si Manny V. Pangilinan o MVP.
Halos katabi ni MVP sa upuan ang misis ni Gary na si Angeli Pangilinan-Valenciano.
Nabasa namin kahapon sa Facebook ni Ma’am Gel ang pahayag na, “What to do. A major boss wants to sponsor ang entire night of Back at The Museum and buy all tickets!!!”
Sari-saring positibong comments ang natanggap ni Angeli sa post niyang ito at pagtunay na, “God is good!”
Sampung shows ang gagawin ni Gary sa Music Museum sa susunod na buwan kaya buy na kayo ng tickets!
Of course, knows ninyo na kung sino ang tinutukoy ni Ma’am Gel, huh!
