Ara umatras maging hurado ng Mr. Philippines Grand Teen Male 2026 

Ara Mina

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBA talaga magbiro ang tadhana.

Prente sa pinuntahan niyang event si Ara Mina para maging bahagi ng mga magja-judge sa tatanghaling Mr. Philippines Grand Teen Male 2026 na ginanap sa San Juan. Na siyang nanalo sa nasabing pageant! 

Laking gulat nito nang makita na ang anak ng kapatid niyang si Holly ang isa sa mga kalahok.

Wala siyang kaalam-alam at maski naman si Nate o Nathaniel eh, wala rin sa hinagap na isa sa magja-judge sa patimpalak na ‘yun ay ang kanyang tita.

Hindi na sa kanyang ama nakatira si Nate dahil may bago na itong pamilya. Pero close pa rin ito sa kanyang mga kaanak, kina Ara at Cristine.

Dahil sa nangyaring gulatan, nakiusap na lang si Ara sa organizers  at nag-beg off na hindi na siya magja-judge dahil hibdi nga naman magandang tingnan. Para nga naman delikadesa.

At sa kalaunan nag-usap pa rin ang magtiyahin na hindi naman niya tututulan kung magpatuloy ito sa pagiging modelo niya.

Nakapasok na nga si Nate sa mga kabataang pinili ng TV5 sa kanilang search na si Ara naman ang tumatayong manager at guardian niya.

Hindi naman ako nagalit sa kanya. Kasi alam ko naman na may mga gusto rin siyang gawin na hindi lang niya siguro maibulalas ng maayos.  Kasi kung nag-judge rin ako that night, malamang mawala ‘yung confidence na binubuo niya sa sarili niya. May mga ganoon. Pero ang sabi ko lang sa kanya, huwag siya mag-hesitate na magsabi sa akin ng mga plano niya. Kasi ako ang magtatanggol sa kanya rito sa pinasok niya. Siyempre, ‘am a proud Tita here!

Maliit pa naman si Nate, nakita na namin na mayroon naman siyang hilig. Siyempre noong bata mahiyain lang. ‘Di pa maibulalas o masabi ang talagang gusto niya. Eh, nalayo pa siya sa Papa niya. Kaya kami na ‘yung gumagabay sa kanya,” paliwanag ni Ara.

Isa si Ara sa mga treasured endorsers ng may-ari ng Maddox Jewelries na si Charo Cordial.

Kamakailan pinasiyaan ang showroom nito sa Marikina na rumampa sa isang fashion show sa ginawang runway si Ara kasama ang anim pang gems na sina Ai Ai delas Alas, Jean Garcia, Katherine Luna, Claudine Barretto, Kris Bernal, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hindi maalala ni Ara kung alin sa mga nakolekta na niyang alahas over the years ang pinakamahal.

Noon paisa-isa lang na maliliit na pieces lang naman o bato ang binibili ko. Kasi that time, mayroon talagang nagbebenta sa aming celebrities ng mga alahas. At talagang tiwala kami sa kanya. Si tita Vicky Elises. Kaya every now and then, nakakabili ako. Na karamihan nasa akin pa rin. Minsan pinapa-set ko para may bagong look. Thankful ako kay Ate Sharon (Cuneta). Siya ang nag-advice sa amin na mag-invest. Sa alahas. Sa properties. Even tita Anabelle (Rama).”

Palipad si Ara sa Singapore after their event.

May event naman doon ang Peek ni Dave (Almarinez, her husband).”

Isa lang ang Maddox sa ineendosong produkto ni Ara. At nagkaroon na rin nga siya ng ArMine collection sa ilalim ng naturang jewelry shop.

A businesswoman through and through. At tila ang mga charm and bracelets na regalo ni Ms. Charo sa media ay mula sa idea ng FengShui enthusiast na si Ara.