Wil-Bea launching movie milyones na ang nakapanood

Pee Mak WilBea Wilbert Ross Bea Binene

I-FLEX
ni Jun Nardo

GRABE talaga ang lakas ng Wil-Bea (Wilbert Ross at Bea Binene) dahil ng launching ng coming movie nilang Pee Mak, aba, milyones na agad ang nakapanood nito, huh!

May mga kasama naman ang Wil-Bea sa movie pero walang duda na malakas talaga ang hatak ng dalawa!

Sa October ang showing sa sinehan ng PH adaptation ng Pee Mak. Pero abangan ninyo rin ang pagdala ni Wilbert ng successful concert niyang WRTen na gaganapin sa October 10 sa Cebu at Waterfront Cebu City Hotel and Casino at October 25 sa SMX Convention Center Lanang, Davao City.