MATABIL
ni John Fontanilla
SOBRANG excited ang 39th Star Awards for Movies New Movie Actor of the Year na si Khai Flores sa nalalapit na pagpapalabas this coming October 7 ng kanyang pinagbibidahang psychological thriller movie na Mantsa na ididerehe ng award winning director na si Louie Ignacio.
Tsika ni Khai sa isang ‘“Sobrang excited kasi feeling ko ito yung pinaka-break ko.
“Actually break ko rin ‘yung ‘Sugat sa Dugo’ pero kasi ibang-iba ito eh, napakaganda ng istorya tungkol siya sa mental health na sobrang hot issue ngayon.”
Hindi rin daw nito naiwasang ma-starstruck sa mahusay at de kalidad na aktres na si Pilar Pilapil nang makatrabaho niya sa pelikulang Matsa.
“Sobrang nakaka-starstruck, sabi ko nga kanina kailangang makisabay, kasi magmumukha kang ewan eh, magmumukha kang tanga kung hindi ka sasabay sa aktingan, kapag ‘di mo gagalingan, kasi hinintay mo itong moment na ito,” ani Khai.
Aminado rin ito na kinabog ang kanyang dibdib sa pagsisimula ng shooting ng kanilang pelikula, pero nag-focus ito para magampanan ng buong husay ang role na naiatang sa kanya.
“Yes at first nandoon ‘yung kaba pero kinain ko talaga ‘yung role.
“Nag-focus talaga ako, as ‘yung sinabi ko kanina na may inilagay akong bato sa loob ng sapatos ko para may ma-feel akong pain,” wika pa ni Seth.
Maraming natutunan si Khai sa pelikulang Mantsa tungkol sa mental health na gusto niyang ibahagi sa mga taong dumaranas nito.
“Ahhh actually makipag-usap ka sa pamilya mo, ‘wag mo solohin ‘yung problema, lumabas ka sa comfort zone mo.
“Kasi minsan sa comfort zone mo roon nakakaapekto, roon masisira ‘yung mental health mo, sobrang komportable ka na sa lugar, sa senaryo ‘yun.
“Libangin mo sarili mo, kausapin mo pamilya mo, hindi mo masasabi mayroon talagang makaka-appreaciate sa ‘yo.”
Bukod kay Ms Pilar, makakasama ni Khai sa pelikulang Mantsa sina Gelli De Belen, Shira Tweg, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, Ms. Miles Poblete, Than Perez, RJ Ariar, Jass Dela Torre, Milli Marzo, Ghia Garcia, Bo Bautista, LA Santos, Raine Barretto. With the special participation of Ms. Snooky Serna and Ms. Janice De Belen.
Directed by Louie Ignacio and produced by Bambbi Fuentes of Dragons Talent Management and Productions. Opens October 7 in cinemas nationwide.
