MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapos na PPop Rised Unleashed na ginanap noong September 5 sa Viva Cafe Araneta City, Cubao hatid ng Big Mama Productions at ng Mabuhay PH Digital Network. Hosted by Aeryx (Echo PH) at Weizsa (Div9).
Espesyal na panauhin ang dalawa sa Uprising Ppop Artist sa bansa na sina Mia Japson at Jam Leviste na parehong alaga ng kaibigang Audie See.
Inawit ni Mia ang kanyang kantang Pintig na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno.
Habang inawit naman ni Jam ang upbeat song na Nawawala sa Sarili na komposisyon din ni Maestro Vehnee Saturno, na kasamang nag-perform ang grupong Dance Squad Dancers.
Nasaksihan namin kung gaano kahusay mag-perform sina Mia at Jan maging ang ibang mga PPop performers.
Ilan pa sa mga nag-perform sa PPop Rised Unleashed sina YZ, Lil’ Star Sirens The HRY Project X/ACT, the sibling PPOP DUO Franco Brothers, ECHO PH, at DIV9 OFC.
