RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI lang pang-online streaming, pang-mainstream TV programming din ang numero unong aktres ng VMX na si Angel Castro.
Noong 2024 ay napanood si Angel (na noon ay Claire Castro) sa GMA sa seryeng Makilingnina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, ngayon ay mapapanood ito sa My Bespren Emman ng TV5.
Gaganap dito si Angel bilang babaeng liligawan ng karakter ni Mike “Pekto” Nacua.
At nagpakatooo si Angel sa pagsasabing naiilang o awkward para sa kanya na maging artista ng My Bespren Emman na isang religious program.
“To be honest, nailang po ako kasi, ‘di ba, po yung ‘My Bespren Emman’ is a religious show.
“I am religious po, but people think kasi na when you are a sexy star, that’s who you really are, which is far from the truth.
“Because to be honest, I’m not really a sexy… I don’t think of myself as a sexy person all the time.
“Actually, when I have to be sexy, I find it very awkward,” pagtatapat ni Angel.
Hindi naman daw porke sexy star siya ay ganoon na rin ang pagkatao niya kahit wala sa harap ng kamera.
“So may tinanong din po ako, ‘Hindi ba magkakaroon ng reaksiyon ‘yung mga tao? Bakit may VMX sa ‘My Bespren Emman?’
“Because it’s a religious show.
“But you know what, I’m just honored po na naka-work ko po ‘yung mga magagaling na artista roon.
“I know myself, I don’t need to anticipate ‘yung mga magiging reaksiyon ng mga tao.”
Sa Sex Drive ay mapapanood si Angel kasama sina Apphle Celso, Juan Calma, at Benz Sangalang, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr. at napapanood na simula August 28.
Speaking of Benz, sinabi ng tinaguriang VMX King na si Angel ang number 1 na female star ngayon sa VMX.
Ano ang reaksiyon ni Angel dito?
“Hindi ko po in-expect. At the same time, in-expect ko. Does that make sense?
“Because Direk Rodante, his films do really well. But at the same time, I do not expect it for myself.”
Napakalakas at isang malaking tagumpay ang unang pelikula ni Angel sa VMX, ang Creampieng direktor na si Rodante Pajemna.
