Kim naglabas ng hinaing ukol sa baha

Kim Chiu

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang X (dating Twitter) account, naglabas ng hinaing si Kim Chiu sa matinding paghihirap at pagdurusa na dinaranas ng mga Filipino ngayon dahil sa baha.

Ilang buwan na tayong nakararanas ng sunod-sunod na ulan. Baha dito, baha doon. Maraming tahanan ang nalubog, maraming kabuhayan ang nawala, at marami ring imprastraktura na pinondohan ng bilyun-bilyong piso mula sa pera ng taumbayan ang nasira o ‘di nakayanan ang mga ganitong sakuna,” sabi ni Kim.

Kinuwestiyon ng aktres kung saan napupunta ang mga buwis na ibinabayad ng mga taxpayer at kung bakit hindi maayos-ayos ang matagal nang problema sa flood control.

Yes, pera NATIN. Bilang mamamayang Pilipino, nagbabayad tayo ng TAX. Kaya may Karapatan tayong magtanong:Saan napupunta ang pera ng bayan? Nasaan ang maayos na paghahanda? Nasaan ang mga proyektong dapat sana ay nagpoprotekta sa atin?

“Natural ang malakas na ulan at bagyo sa Pilipinas, pero hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mga Pilipino dahil sa kakulangan sa paghahanda, maayos na imprastraktura at responsableng pamamahala.

Minsan, pakiramdam ko, ang Diyos at ang kalikasan na mismo ang nagpapaalala sa atin na may mga bagay tayong kailangang makita, tanungin at baguhin. Do we really deserve this? Palalampasin na lang ba natin ulit?” aniya pa.