Coco hulog ng langit para sa kanya si Julia

Coco Martin Julia Montes Sigabo

MA at PA
ni Rommel Placente

ITINUTURING ni Coco Martin na “hulog ng langit” sa kanyang buhay si  Julia Montes. Kaya naman puro pasasalamat na lamang ang nasasambit niya sa nasa Itaas.

Napakalaki talaga ng na-improve ko personally sa buhay ko. Napakarami ng naitulong niya sa akin, lalong-lalo na sa growth ko, sa personalidad ko, sa mga pananaw ko sa buhay,” sabi ni Coco sa inilabas na video ng CCM Film Productions.

Pagpapatuloy pa ng award-winning actor, “Hindi naman magiging ganito ang direksiyon ng buhay ko kung hindi rin dahil kay Juls, eh. 

“Kasi siya ‘yung naging daan at siya ang naging guide ko.”

Natanong naman si Julia kung keri rin ba niyang manirahan kasama si Coco sa isang lugar tulad ng Ginintuang Lupa na napapanood sa Sigabo na maraming nakatirang mahihirap.

Sagot niya, kakayanin niya basta ang kasama ay si Coco at ang iba pa mga mahal niya sa buhay. 

At saka laki rin naman kami sa hirap, hindi naman kami laki sa yaman. Kumbaga lahat naman ng blessing na dumarating sa amin ngayon, pinaghirapan, pinagtrabahuhan, pinag-ipunan,” sey ni Julia. 

Sinang-ayunan naman ni Coco si Julia at nagpaalala na binibigyan ng Diyos ng mga pagsubok ang isang tao para mas tumatag sa buhay at mas kumapit pa sa pananampalataya.