Skin clinic and aesthetic para sa middle age Pinoy

Skin Essentials by Her Aesthetic Dr JC Hers Monabai Maon-Tomawis MJ Bassig

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng may-ari ng isa sa top skin clinic and aesthetic & training center sa bansa, ang Skin Essentials by Her Aesthetic and Training Center na si Dr JC Hers ang edge at pagkakaiba ng kanyang clinic.

Ayon kay Dra. JC, “We do enhancement surgical and none surgical, ang edge siguro namin is wala kaming hard selling dito.

“’Pag hindi puwede sa ‘yo, hindi puwede sa ‘yo, ‘pag hindi hindi uubra, hindi uubra.

“Talagang sinasabi namin sa client kung ano mas better sa gusto nilang treatment.”

Pero katulad ng ibang negosyo, may challenges din na pinagdaraanan ang negosyo ni Dra. JC.

Challenging in industry? hindi ko masasabi na competition, because I don’t treat others as competitor. I treat them as ally.

“Maybe ang challenging is ‘yung siraan on this kind of business, mas lamang na lamang ‘yung paninira ng ibang aesthetic clinic sa kapwa nila aesthetic clinic. I find it difficult to handle minsan,” sabi pa ni Dr JC.

Sinabi pa ni Dr JC na maayos ang mga skin clinic sa Pilapinas.

The industry is good kung talagang kaya mong hawakan ‘yung negosyo mo mismo.

“Nagwo-work siya to repeating client talaga, regular and loyal client talaga. Word of mouth. Doon kami talaga nakilala sa word of mouth.

“Your Beauty is our top priority! ‘Yan po ang isang prinsipyo ng Skin Essentials By Her.”

Itinayo ni Dra. JC ang Skin Essentials By Her para sa mga middle class.

Actually kaya ko itinayo ang Skin Essentials By Her, para maabot ‘yung mga client na nasa middle class.

“’Yung iniipon or nanghihinayang na magbayad sa skin care or skin treatment. So we do our treatment na affordable ang price.

“Kasi we do believe na hindi lang ‘yung mga upper ang magkaroon ng self confidence.

“That’s why ‘yung market namin is more on middle class,” paliwanag pa ni doktora.

Ang vision ni Dra. JC sa kanyang skin care clinic ay para dumami pa ang nakakakilala rito.

To be known, lahat siguro ‘yun ang vision, to be known, to help more people.

“Siyempre ‘pag dumami ang aming branch mas makaka-help kami sa mas maraming tao.”

Tsika naman ng ka-partner ni Dra. JC na si Dra. Monabai Maon-Tomawis, “Usually dito more on enhancement ‘yung ginagawa nila, ‘yung mga patient namin more on sa enhancement ng breast and the butt.”

Dagdag naman ni Dra. MJ Bassig, “sa skin concerns, most likely siguro sa elderly, give them more options to choose.

“We have skin booster, and we also have machines to offer here.

“Ang specialty talaga namin dito is body contour, we do fillers, puwede siya sa female or LGBT friends, and also males.

“Now we do body fillers for the hips, for the breast, and for private area.”

Dagdag pa ni Dra. MJ, “Skin Essentials by Her is not only Aesthetic clinic but also a training center.

“For those who want to learn or to have knowledge about our procedure they can go here para ma-train sila by licence physician.”

Bukod nga sa skin care at aesthetic services ay open na rin ang Skin Essentials for Her for partnership. Bumisita lang kayo sa page nila para sa iba pang impormasyon.