Nadine pangarap makatrabaho nI Benz Sangalang

Benz Sangalang Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

GUSTONG makatrabaho ng isa sa lead actor ng pelikulang Sex Drive na si Benz Sangalang si Nadine Lustre.

Katwiran ni Benz, nagagalingan siya kay Nadine.

Gusto ko siya makatrabaho, siyempre kapag magkatrabaho na kami makakausap ko siya, may matututunan ako,” anang VMX actor.

Puring-puri naman njya ang co-artist niya sa Aex Drive na si Angel  Castro.

Professional naman siya, gusto niya ‘yung ginagawa niya. Pinu-push niya talagang maging top dito sa VMX,” sabi pa ni Benz.

Ani Benz, tumodo siya sa mga lovescene sa pelikulang Sex Drive.

“’Yung VMX before mas matapang, medyo tinapangan ko lang parang ganoon.

“Medyo sumabay lang ako sa ano ngayon, na palaban at mas matapang na sa mga lovescene ang mga VMX star, kompara sa dati na medyo sakto lang,” paliwanag ng aktor. 

At may ginawa itong lovescene na ‘di pa niya nagagawa sa mga dati niyang VMX film.

May ginawa ako rito na ‘di ko ginagawa dati, panoorin niyo na lang.

“’Yung mga lovescene na ginagawa dati medyo bitin, pero ngayon all out parang ganoon,” matapang pang sabi ni Benz.

Makakasama nina Benz at Angel sa Sex Drive sina Apphle Celso at Juan Calmasa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr..