Bagong health & wellness na babalik-balikan sa Timog

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HEALTH and wellness ang passion niya talaga.

Kaya bata pa lang, naging way of life  o ito na ang nakasanayan niyang gawing gabay sa pang-araw-araw na ikot ng buhay. Para mapangalagaan talaga ang kalusugan.

Na siya ngayong goal niya para makatulong sa mas maraming mga taong ito ang hanap sa  pag-ikot sa buhay. 

At ngayon, binuksan niya ang Inoue Health and Wellness Clinic (just across GMA-7) in Timog. (Unit C, 2F Caswynn Building, 134 Timog Avenue, Quezon City. Open from ⏰ 10 AM – 7 PM)

Sari-saring mga negosyo na rin ang napagbuhusan ng panahon ni Jiane Yu. Pero ito talaga ang pinaka-goal niya sa mahabang panahon. 

Sa pamamagitan ng kanyang kaibigan na isa ring PR manager at eventologist na si Bemz Dumlao Benedito, nasubukan namin ang isa sa maraming services na ino-offer ng wellness clinic na ito. Through her Verde Creatives.

Para sa pag-firm ng skin sa mukha. 

Gamit ang mga bagong makina na tumutulong para sa ikagaganda, hindi lang ng balat kundi maging ng pakiramdam sa paghagod sa mukha at paglalagay ng mga ipinapahid na makagiginhawa sa gagawin sa mukha.

Sari-saring serbisyo ang maia-avail sa Inoue. Para sa ‘ika nga, longevity treatments. 

Dito nga nagsisimula ang regenerative aesthetics.

Bago nga simulan ang paglilinis sa mukha, makikita mo na ang kundisyon ng balat mo sa pagkuha nila ng larawan up-close. Para sa skin rejuvenation patungo sa total wellness solutions.

Sinubukan ko ang XERF (advanced skin regeneration), mayroon din silang Juvelook (collagen stimulation and skin rejuvenation), formalift (non-invasive skin tightening), microneedling (improve texture, skin andn scars), at IV Drip Therapy (vitamins, hydrstion, total wellness).

Napaka-accommodating ng staff. 

Sa tulong din ng partner ng CEO and Founder na si Ms. Jiane, na si COO John Mark Calinao, nagbukas na ang pintuan ng Inoue para sa nasabing mga serbisyo.

So pampered. Ang sarap pa ng coffee. At ang maingat at mahusay na kamay ni staff Janice na luminis at nag-care sa aking balat. Sa XERF. Babalik ka talaga.

Affordable? Yes!

Ano nga pala ang “inoue”. As a Japanese term, it means well, above the well or top, a common last name in  Japan. 

Pero si Jiane is Pinay na may Chinese blood.